‘PNoy bulag sa kasalanan ni Ochoa’ | Bandera

‘PNoy bulag sa kasalanan ni Ochoa’

Bella Cariaso - , September 04, 2013 - 02:10 PM

NAPAHAGULGOL ang whistle-blower na si Rodolfo “Jun” Lozada habang inakusahan si Pangulong Aquino na nagbubulag-bulagan sa mga “anomalya” ng kanyang executive secretary.

“You have shattered the hopes of the people. You have no right to be there,” ani Lozada sa panayam ng Radyo Inquirer 990 AM.
“He [Pres. Aquino] was selective.

The deal involving Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. and his brother-in-law was left untouched by Aquino because Ochoa was benefitting from it,” dagdag ni Lozada na ang pinatutungkulan ay ang ginawang pagli-lease ng Arroyo administration para sa Philippine Forest Corp. (Philforest) sa 2,000 ektaryang forest land at beach-front property sa Busuanga, Palawan na pag-aari ng bayaw ni Ochoa na si Gerry Acuzar, ang may-ari ng New San Jose Builders Inc.

Isa ang Philforest sa mga ahensya ng pamahaalaan na umano’y nakinabang sa maanomalyang pagpalalabas ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa mga pekeng nongovernment organizations (NGOs) ng mga mambabatas.

Sinabi ni Lozada, dating presidente ng Philforest, na dapat ay kinansela ni Aquino ang kontrata.  “But not all Arroyo midnight deals were cancelled by the Aquino administration,” hirit ni Lozada.

Iginiit din niya na alam ni Aquino ang mga umano’y “midnight deals”  ni Ochoa pero mas pinili umano nitong magbulag-bulagan.

“Can you imagine, Aquino, who promised ’kung walang corrupt, walang mahirap’ and promised ‘daang matuwid, but knew all of these?” dagdag ni Lozada.

“They justified this as sin of omission and not sin of commission. But it’s the same sin.”  Ochoa ‘nilinis’ ng Palasyo Todo-depensa naman ang Malacanang kay Ochoa.

Giit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bagamat nagkaroon nga ng kasunduan sa pagitan ng Philforest at New San Jose na nilagdaan noong Nob. 17, 2009, kinansela naman ito noong Dis. 9, 2011.

Ayon pa kay Valte, binabalikan lamang ni Lozada ang Malacanang matapos ibasura ni Aquino ang hinihingi nitong tulong.
“Assistance the way that he wanted was not given. This is obviously where he is coming from,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending