Rabiya sa ‘kabit’ issue: Yun ‘yung pinakamasakit, kahit naghirap kami never ko ‘yon ginawa
SA wakas, nakahinga na nang maluwag, nakakatulog na nang maayos at wala nang napi-feel na matinding pressure si Rabiya Mateo matapos ang naging journey niya sa 2020 Miss Universe.
Ayon sa Pinay beauty queen, grabe ang pinagdaanan niya sa nasabing international beauty pageant at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na natutunan niya sa bahaging ito ng kanyang buhay.
Binalikan ng dalaga ang ilan sa mga pagsubok na hinarap niya mula nang magsimula ang pageant hanggang sa matapos ito na ginanap sa Amerika two weeks ago.
Sa virtual interview sa kanya ni Boy Abunda, natanong si Rabiya kung anu-ano ang mga nabago sa buhay niya matapos lumaban sa Miss Universe bitbit ang bandera ng Pilipinas.
“I love myself even better now. What I’ve been through is never easy. I know it’s going to be hard, but not as hard as what happened in the competition,” mabilis na sagot ni Rabiya.
“From the moment I won Miss Universe Philippines up until the Miss Universe competition, binugbog ako emotionally, mentally. But I tried to be strong. I tried to hold myself together,” aniya pa.
Dito inamin din ng dalaga ang mga sakripisyo, hirap at sakit na kailangan niyang gawin at pagdaanan simula nang manalo siyang Miss Universe Philippines 2020.
“Even the moment I won, I didn’t have that sweet victory the day I was crowned. That joy was taken away from me. I don’t want to be emotional right now, but iniisip ko pa lang, parang ang dami ko talagang pinagdaanan.
“When I won, that was October 25, I didn’t feel na I was the winner. But the moment I had my homecoming and I saw almost everybody shouting my name, cheering for me, doon ko na-realize na ang sarap sa feeling na maiuwi ko ‘yung korona sa Iloilo City, pinagtatanggol nila ako sa lahat,” maluha-luhang pahayag ni Rabiya.
Ngunit sa kabila nga ng isyu ng palakasan at pandaraya, mas pinili niyang manahimik at hinayaan na lamang niya na ang Miss Universe Philippines organizers ang magtanggol sa kanya.
“I’m not even sure na kapag nagpa-interview ako and if I share my side of the story, mag-i-stop na siya lahat. It might get worse. So I don’t want to do that.”
“I don’t want to add fuel to the fire. I tried to be as quiet as I can. I tried to continue the journey even though inside I was falling apart,” paliwanag ng dalaga.
Pero kung may isang issue na nakaapekto talaga sa kanya, yan ay ang tsismis na isa raw siyang kabit at ito raw ang isa sa mga rason kung bakit sa kanya ibinigay ang korona bilang Miss Universe Philippines.
“There was this issue, a comment, saying that I was a mistress. Parang ‘yun ‘yung pinakamasakit doon. Because I was raised by a single mother and lahat-lahat ng pinagdaanan ko, pinaghirapan ko ‘yon. And I have my moral values with me.
“Pinag-usapan nga namin ni Mama yon, (sabi ko sa kanya) ‘You know naman what’s the real story and I would never do such a thing. Kahit naghirap tayo sa buhay, never natin ‘yon ginawa,'” pahayag pa ni Rabiya.
Sa kabila ng lahat ng ito, may nakikita pa ring silver lining ang dalaga, “‘Yun din ‘yung isa sa mga reason kung bakit ako nakilala ng tao. That’s why they want to know my story, because of issues like that.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.