Mga Laro Ngayon (Cuneta Astrodome)
5:15 p.m. Globalport vs. San Mig Coffee
7:30 p.m. Barangay
Ginebra vs. Air21
Team Standings: Petron Blaze (4-1); Barako Bull (3-1); Rain Or Shine (3-2); Alaska Milk (2-1); Global Port (2-2); Meralco (2-2); Talk ‘N Text (2-2); Barangay Ginebra (1-3); SanMig Coffee (1-3); Air21 (1-4)
APAT na koponang pawang galing sa kabiguan ang maghahangad na makabalik sa win column sa magkahiwalay na laro sa 2013 PBA Governors Cup mamayang gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Magkikita ang Global Port at SanMig Coffee sa ganap na 5:15 p.m. at susundan ito ng salpukan ng Barangay Ginebra San Miguel at Air21 sa 7:30 p.m. main game.
Ang Global Port ay bumagsak sa 2-2 matapos matalo sa Talk ‘N Text, 102-95. Ang SanMig Coffee at Barangay Ginebra ay kapwa may 1-3 record. Ang Mixers ay pinayuko ng Petron Blaze, 89-83, samantalang ang Gin Kings ay naungusan ng Alaska Milk, 102-99. Nangungulelat ang Express sa kartang 1-4 matapos magapi ng Rain Or Shine, 109-95.
Sa import match-up ay magpapatalbugan sina Marcus Blakely ng SanMig Coffee at Markeith Cummings ng Global Port.
Sa local marquee match up naman ay magdu-duwelo sina Willie Miller at James Yap na kapwa two-time Most Valuable Player awardee.
Si Miller ay sinusuportahan nina Solomon Mercado, Jay Washington at Gilas Pilipinas member Gary David, samantalang si Yap ay tutulungan nina Peter June Simon, Joe DeVance at isa pang Smart Gilas cager na si Marc Pingris.
Kapwa nasa alanganing puwesto ang Gin Kings at Express. Sa ilalim ng tournament format, dalawang koponan ang tuluyang malalaglag pagkatapos ng maikling nine-game eliminations.
Kinakailangang magtala ng magagandang numero ng mga imports na sina Dior Lowhorn ng Barangay Ginebra at Zach Graham ng Air21 kung hangad nilang mapanatili ang kanilang trabaho.
Nabawasan ng isang big man ang Gin Kings ng magtamo ng sprained MCL si Japeth Aguilar na malamang na hindi na nila makasama hanggang sa dulo ng elims.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.