Ivana pinaiyak ang 2 kasambahay, pero binigyan ng P150k | Bandera

Ivana pinaiyak ang 2 kasambahay, pero binigyan ng P150k

Reggee Bonoan |May 24,2021
facebook
share this

Ivana pinaiyak ang 2 kasambahay, pero binigyan ng P150k

Reggee Bonoan - May 24, 2021 - 06:08 PM

HALAGANG P100,000 at P50,000 ang premyo sa dalawang kasama sa bahay ni Ivana Alawi at ng pamilya niya para sa bagong content ng aktres sa YouTube na may titulong “Breaking camera prank on our helpers! Pinaalis ko sila!”

“Ang tagal-tagal kong pinangarap ito na ma-prank sila. Kapag may pina-prank ako nanonood lang sila hindi sila nadadamay feeling nila ‘never kaming ipa-prank, hindi kami tatargetin.’

“But you’re wrong kasi part ka ng family kaya kailangan din naming ma-prank kayong dalawa,” bungad na kuwento ni Ivanna.

Limang taon na ang kasama sa bahay nina Ivana na si KC na nagsisilbing personal assistant din niya noong may mga trabaho pa siya bilang artista.

At dahil walang shooting at taping ngayon ay si KC ang nag-aalaga o naglilinis sa mga camera na ginagamit sa vlogging ng kanyang amo.

Ang ate ni KC na si May ay single mom naman at kinuha na rin nina Ivana para magkasama na silang magkapatid.

Mahal na mahal ni Ivana ang dalawa dahil naaalala niya noong bata siya na lumaki sa yaya dahil iniwan sila ng mama niya sa Bahrain nu’ng bumalik na ito ng Pilipinas.

Kaya ang naging second mom niya ay ang yaya niya noon na nitong lumaki na siya ay gusto sana niyang kunin pero hindi na niya mahanap.

Anyway, kuwento ni Ivana ay hindi pa niya nakitang umiyak si KC dahil masayahing tao ito at kahit na may problema ay idinadaan sa tawa kaya gusto niyang paiyakin sa pamamagitan ng prank.

Kasabwat ni Ivana ang kapatid na si Hash at Mommy Fatima niya na in fairness mahuhusay umarte, huh!

“Umorder ako ng camera na sakto sa ginagamit kong pang-vlog, pero itong camera na ito ay fake kasi babasagin ito. Hindi ako magbabasag ng tunay na camera kasi sayang, di ba? Defective itong camera na ito,” say ni Ivana.

Ang drama ay huhulaan ng pamilya Alawi kung ano ang laman ng box (what’s in a box). Pero ang siste, siya pala ang planong i-prank ng magkapatid na KC at May dahil may inilagay silang mga buhay na ipis at poop.

Habang parehong naka-blindfold si Ivana at ang mommy niya ay nakatuntong naman sa upuang hindi balanse si Hash hawak ang kamerang sira na kunwari’y mahuhulog hanggang sa inalalayan siya ni KC na inaabot naman sa kanya ang camera pero nahulog pa rin ito.

At dito na sinabing nahulog ang camera na kinagulat kuno ni Ivana at pinaamin kung sino ang may kasalanan.

Natatawa si KC para pagtakpan daw ang kaba niya at ang ate May naman niya ay nasa malayo at nakita lahat ng pangyayari na ayaw naman niyang magkuwento sa una dahil naawa sa kapatid.

Tumatalak na kunwari si Ivana at sinabihan na si KC kung gusto na nitong umuwi sa bayan nila sa Cagayan at hahanap na lang ng ibang assistant.

At dito na niya nakitang umiyak ang kasambahay at maging ang ate nito ay nagulat sa sinabi ni Ivana na pinalalayas na ang kapatid niya.  Naisip daw nito na kinabukasan na sila aalis kaya mag-eempake na sila.

Nang nakita nang umiyak ay saka niyakap ni Ivana at sinabing, “It’s a prank!” at humingi ng tawad kasi pinaiyak at napagsalitaan pa ng hindi maganda. Sabay bigay ng P100,000 kay KC at sa ate May naman nito ay P50,000.

Tanong ni KC kay Ivana, “Bakit mo ako pinrank? Hindi ako sanay ng ganito?”

Sagot ni Ivana, “Saka bakit ko naman kayo paaalisin? Kailan ako nagpaalis sa inyo?”

Kundisyon ni Ivana sa magkapatid na hindi sila aalis at kung may malaking oportunidad na sila tulad ng magkaroon ng sariling business ay hindi niya ito hahadlangan kapag nagpaalam na sa kanila.

Samantala, halos lahat ng nagkomento ay iisa ang sinabi, naiyak sila sa nangyari kahit na-prank lang dahil genuine ang pag-iyak ng magkapatid na KC at Mae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 2.3 million ang views ng vlog na ito ni Ivana na in-upload niya nitong Linggo ng gabi lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending