Maja umaming may ginagawang 'milagro' sa swimming pool; Empoy na-jebs sa pantalon | Bandera

Maja umaming may ginagawang ‘milagro’ sa swimming pool; Empoy na-jebs sa pantalon

Reggee Bonoan |May 20,2021
facebook
share this

Maja umaming may ginagawang ‘milagro’ sa swimming pool; Empoy na-jebs sa pantalon

Reggee Bonoan - May 20, 2021 - 05:44 PM

SUMABAK na rin “Never Have I Ever” game sina Empoy Marquez at Maja Salvador para sa latest vlog ng komedyante sa kanyang YouTube channel.

Kinunan uli ito habang naka-break sila sa taping ng teleserye nilang “Niña Niño” na napapanood sa TV5.

Sabi ni Maja, “Basta ‘yung 5% (kita) nito sa akin, ha? Kasi gusto ni Empoy maraming nagaganap sa kanyang YT channel kaya sabi ko, ‘o sige habang naghihintay (taping) mag-ano (video) tayo.”
Unang tanong, “Never have I ever na-jebs sa pantalon” at inamin ni Empoy na nangyari na ito sa kanya.

“I have, nu’ng high school pero alam mong nakasilip palang (sabay muwestra). Hindi pa bumuga,” seryosong sabi ng aktor na inihingi naman ni Maja ng dispensa dahil baka may kumakain habang nanonood sa kanila.

Inamin naman ni Maja na naihi siya sa higaan pero bata pa raw siya noon at hindi na raw uli nangyari.

“Siyempre ‘yung energy ko walang katapusan ‘yun, so pag nakakatulog ako nu’ng bata ako, nakakaihi ako, mga 11 (years old) na ako no’n,” say ng aktres.

Hindi pala nasubukan ni Empoy na mag-momol sa sinehan dahil, “Mga kasama ko may kanya-kanya silang (ka-date), pero ako hindi kasi gusto ko kapag nanonood ako, concentrated ako sa pinapanood ko.”

Tawa naman nang tawa si Maja kaya binalikan siya ng tanong ni Empoy, “Tawang-tawa ka, siguro gawain mo?”

“Hindi! Pero nanonood kami ng sine noong high school ako kasama ko mga kaklase ko kasi di ba, pagkatapos ng exam half-day na lang. Tapos magpapaalam ako sa nanay ko na manonood kami ng sine at kung anong palabas at oras.

“So, habang nasa kalagitnaan na kami ng palabas biglang may bubulong, ‘Chie (palayaw ni Maja) uwi na ako ha, puro babae pala kayo.’ Nasa likod ko pala ‘yung nanay ko the whole time,” natatawang kuwento ng aktres.

Nabuking na may crush pala si Empoy kay Kaye Abad dahil sa tanong kung nagkagusto na siya sa katrabaho niya.

“Never pa sa katrabaho, hindi ko pa siya nakakatrabaho,” sambit ng aktor.

“Sagutin mo itong katrabaho bakit yung hindi mo pa nakakatrabaho ang sinasabi mo,” say naman ni Maja.

“E, hindi pa, saka may asawa na siya ngayon, taga-Tabing Ilog dati, si Kaye Abad,” pagtatapat ni Empoy.

Sinang-ayunan naman ito ni Majs, “Si Kaye, ay oo naman. John Lloyd  Cruz? (sabay tingin kay Empoy na tila nang-aasar).”

Dagdag pa ng komedyante, “High school palang ako crush ko na talaga si Kaye Abad!  Ngayon si Paul Jake (asawa ni Kaye) na.”

Nasubukan na rin ni Maja na maglakad noon dahil sa kawalan ng pamasahe, “’Yung nanay ko kasi laging may allowance ‘yun ng pagkain tapos pang-traysikel. Pero ako sa katakawan ko guys, bata palang ako nauubos ko sa pagkain.

“Buti na lang marami akong mga kaklase na naglalakad pauwi tapos madadaanan mo (bahay). Kasi dati taga-Sampaloc (Manila) kami, ‘yung school ko mga two kilometers, puwedeng lakarin,” kuwento ng aktres.

Si Empoy naman ay umaming minsan nang umaalis ng bahay na hindi nakapag-toothbrush, “Minsan naman talaga nangyayari ‘yun. May time kapag nagmamadali ka talaga.  Meron akong bubble gum, bakit?” seryosong sabi ng binata.

Tawang-tawa naman si Maja at tinanong kung ilang beses itong nangyari kay Empoy sa loob ng isang buwan.

“Actually, nu’ng nagtatrabaho ako dati sa fastfood, naka-bubble gum ako,” sabi ng aktor.

“Pero nkaligo ka naman?” balik-tanong ni Maja.

“Siyempre!” sagot naman ni Empoy.

At umamin din si Maja na lagi siyang umuutot sa swimming pool, “Acidic kasi ako, kaya laging nagtataka si Rambo (boyfriend niya) bakit bumubula ‘yung swimming pool,” kuwento ng aktres.

“O c’mon? That’s a trivia, si Maja Salvador umuutot (sa pool),” saad ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Minsan kapag uminom ng champagne or white wine, after no’n parang nagpa-fart ako, hindi naman maiwasan ‘yun minsan,” katwiran pa ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending