Julie Anne niregaluhan ng 'puso' ni David; Barbie, Jak maraming paandar sa Heartful Café | Bandera

Julie Anne niregaluhan ng ‘puso’ ni David; Barbie, Jak maraming paandar sa Heartful Café

Ervin Santiago |May 18,2021
facebook
share this

Julie Anne niregaluhan ng ‘puso’ ni David; Barbie, Jak maraming paandar sa Heartful Café

Ervin Santiago - May 18, 2021 - 10:18 AM

SIMPLENG selebrasyon lang ang naganap para sa 27th birthday ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose.

Kahapon, May 17 ang eksaktong kaarawan ng Kapuso actress-singer at TV host ngunit nagkaroon na siya ng advanced celebration nitong nagdaang Linggo kasama ang kanyang pamilya.

“Pre-birthday celeb w/ la Familia! I love you so muuuuuchhhhoooo,” ang caption ng “Heartful Café” lead star sa ilang birthday photos na ipinost niya sa Instagram.

Bumuhos naman ang pagbati kay Julie Anne mula sa kanyang mga fans at mga kaibigang celebrities ngunit ang nagpakilig talaga sa mga netizens ay ang comment ng leading man niya sa “Heartful Café” na si David Licauco.

In fairness, sa isang heart emoji na reaksyon ng Kapuso hunk sa post ni Julie ay super kilig na ang kanilang mga tagasuporta na umaasang mauuwi rin sa totohanan ang kanilang relasyon.

Bukod kay David, ang iba pang nakaalala sa kaarawan ng dalaga ay sina Edgar Allan Guzman, Kate Valdez, Rodjun Cruz, Jak Roberto, Carla Abellana, Kakai Bautista at marami pang iba.

Samantala, bukod sa pagpapakilig at pagpapatawa ng buong cast ng “Heartful Café”, kailangang tutukan n’yo rin ang guesting ng celebrity couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza.

Ano nga kaya ang magiging papel ng magiging karakter nina Barbie at Jak sa buhay nina Heart (Julie Anne) at Ace (David)?

Paano nila mababago ang takbo ng love story nina Heart at David o baka naman sila ang magkakaroon ng lovelife hugot at mai-inspire sa kuwento ng mga taong nasa “Heartful Café”?

Patuloy na ma-inspire at ma-in love sa pagpapatuloy ng kuwento ng “Heartful Café,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “First Yaya” sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending