Charee Pineda napaiyak sa 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga | Bandera

Charee Pineda napaiyak sa ‘Bawal Judgmental’ ng Eat Bulaga

Ervin Santiago |May 10,2021
facebook
share this

Charee Pineda napaiyak sa ‘Bawal Judgmental’ ng Eat Bulaga

Ervin Santiago - May 10, 2021 - 09:24 AM

NAPAIYAK ang actress-politician na si Charee Pineda habang nagkukuwento tungkol sa naging karanasan niya nang isilang ang panganay na si Martell Francesco Soledad.

Premature kasi ang baby ni Charee kaya kinailangan nitong manatili sa Neonatal Intensive Care Unit sa loob ng dalawang linggo.

Kuwento ng aktres, ipinanganak niya si Baby Martell noong November, 2020, ilang linggo bago ang kanyang due date.

“Ako ay naging mommy noong November, 2020. Pero may kwento ‘yon. Dapat kasi manganganak talaga ako ng January, 2021. Pero dahil lagi kong kinakausap ‘yung baby ko na, ‘Baby sana makasama kita agad ‘wag mo ko pahirapan.’

“So nu’ng November pa lang, lumabas na ‘yung baby ko. Preemie at 34 weeks,” lahad ni Charee nang mag-guest sa “Bawal Judgmental” segment para sa Mother’s Day episode ng “Eat Bulaga.”

“Okay naman siya pero kailangan niyang mag-stay sa NICU for two weeks kasi kailangan siyang i-monitor. Nu’ng pinalabas siya pinaabot muna siya ng 36 weeks.

“Malungkot kasi nandiyan siya pero ako na-discharge ako nang mas maaga. Kailangan bumalik-balik ako sa hospital for two weeks para mabisita ‘yung baby ko,” aniya pas.

“Mahirap talaga. Everyday din akong nasa ospital so, ang hirap kasi nagre-recover pa ako hindi pa ako okay talaga pero parang kailangan…,” ang umiiyak nang pahayag ng aktres.

“Nagre-recover pa ako pero wala akong time para ma-feel kung may masakit pa ba sa akin kasi kailangan pumunta ako sa hospital, kailangan makita ko ‘yung baby ko kung okay ba siya, kung may bago bang nakakabit sa kanya, natanggal na ba ‘yung mga nakakabit,” pagbabahagi pa ni Charee.

Sa ngayon, malusog at mataba na raw ang anak niya. Sabi pa ni Charee sana raw ay nagkaroon na siya ng baby nang mas maaga.

“Sobrang saya pala na may baby. Lagi ko ngang sinasabi, kung alam ko lang sana mas maaga ako ako nag-baby kasi iba ‘yung feeling pala na may baby ka, na excited ka lagi umuwi, parang nabago ‘yung buhay mo.

“’Yung mga pinaplano mo dapat kasama lagi ‘yung baby mo. Masaya. Sulit lahat ng pagod, ng hirap. Ngayon parang sa akin kahit, na pagdaanan ko ulit lahat ng pinagdaanan ko nu’ng pregnancy ko, gagawin ko basta magka-baby ako,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpakasal si Charee sa longtime boyfriend at kapwa politician na si Martell Soledad noong February, 2020.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending