Mommy hugot ni Assunta: 25 years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood | Bandera

Mommy hugot ni Assunta: 25 years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood

Ervin Santiago |May 06,2021
facebook
share this

Mommy hugot ni Assunta: 25 years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood

Ervin Santiago - May 06, 2021 - 09:10 AM

HINDI napigilan ng aktres na si Assunta de Rossi na ibahagi sa publiko ang ilang karanasan niya bilang first time mommy.

Naikumpara pa nga niya ang pag-aalaga sa panganay na anak nila ni Jules Ledesma na si Baby Fiore sa mga naging experience niya sa ilang taong pag-aartista.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Assunta tungkol sa pagiging hands-on nanay at kung gaano ito kahirap para sa isang tulad niya na unang beses pa lamang nagka-baby.

Base sa mensahe ng aktres, wala raw palang papantay sa nararanasang puyat at pagod ng isang ina. Wala raw itong binatbat sa lahat ng naranasan niyang pagod mula nang mag-artista siya.

“25 years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood. I’m awake 14-15 hours during the day, and the rest I wake up every 1-3 hours for feeding or resettling.

“Very exhausting, but I’ll get through this. Baby is healthy and happy, and that’s all that matters,” ang caption ni Assunta sa kanyang IG post.
Maraming followers ang aktres na nagkomento sa kanyang pagpapatotoo as first time mom at halos lahat ng mga ito ay nagpayo kay Assunta na i-enjoy lamang ang kanyang journey bilang nanay at huwag kalilimutang magdasal.

Isa sa mga nag-like at nag-comment sa mommy hugot ni Assunta ay ang award-winning actress na si Dawn Zulueta na nagsabing naka-relate siya sa pinagdaraanan ng sister ni Alessandra de Rossi.

“Oh Yes, I remember how exhaustion brought me to tears! Hang in there,” ang mensahe ni Dawn sa kaibigang aktres.
Kung matatandaan, isinilang ni Assunta ang unang baby nila ng dating politician na si Jules Ledesma noong October, 2020.

Nagpakasal ang dalawa sa isang civil wedding ceremony sa San Carlos City noong December, 2002 habang ang kanilang church wedding naman ay isinagawa sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City noong March, 2004.

* * *

Ngayong Sabado (May 8), tunghayan ang natatanging pagganap nina Ai Ai delas Alas at Snooky Serna bilang dalawang ina na susubukin ng isang rebeldeng anak sa episode ng “Magpakailanman” na pinamagatang “Anak, Saan Kami Nagkamali?”

Dahil hindi kaya ni Mercy (Ai Ai) na alagaan ang mga anak ay ipinaampon niya sa kanyang hipag na si Lourdes (Snooky) ang isa sa mga ito, si Shirlyn (Jhoanna Marie Tan). Dahil matagal nang hangad ni Lourdes ang magkaroon ng anak na babae, ibinigay niya ang lahat para kay Shirlyn.

Nang malaman ni Shirlyn kina Lourdes at Mercy ang katotohanang ampon siya, nagbago ang kanyang ugali at naging rebelde. Inintindi siya ni Lourdes pero naging istrikto naman si Mercy.
Lalong naging mahirap ang sitwasyon nang mabuntis si Shirlyn ng kanyang nobyong mahirap pakisamahan ang ugali.

Kahit magkaiba ng prinsipyo at disposisyon, naging takbuhan ni Shirlyn ang kanyang dalawang ina. Sa kabila ng kanilang mga payo, sumuko si Shirlyn at tinuldukan ang sariling buhay.

Paano ito tatanggapin nina Mercy at Lourdes sa kabila ng ibinuhos nilang pagmamahal kay Shirlyn? Sino ang sumobra? Sino ang nagkulang?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang espesyal na pagganap nina Ai Ai at Snooky sa #MPK ngayong Sabado, May 8, 8 p.m. sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending