Julie Anne lumabas ang kakulitan, kakengkoyan sa Heartful Café; David sanay na sa 'hubaran' Bandera

Julie Anne lumabas ang kakulitan, kakengkoyan sa Heartful Café; David sanay na sa ‘hubaran’

Ervin Santiago |April 20,2021
share this

Julie Anne lumabas ang kakulitan, kakengkoyan sa Heartful Café; David sanay na sa ‘hubaran’

Ervin Santiago | April 20, 2021 - 12:15 PM

 

MAY pagkakatulad si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa kanyang karakter sa upcoming Kapuso romantic-comedy series na “Heartful Café.”

Tampok sa pinakabagong teleserye na ito ng GMA 7 ang fresh team up at kinakikiligan na ngayong tambalanan ni Julie Anne at ng Kapuso heartthrob na si David Licauco.

Iikot ang kwento ng “Heartful Café” kay Heart Fulgencio (Julie Anne), isang hopeless romantic at online romance novelist na may-ari ng coffee shop na The Heartful Café. Darating sa kanyang buhay si Ace Nobleza (David), ang businessman na tutulong kay Heart upang maisalba ang naluluging coffee shop.

Kuwento ni Julie Anne, marami silang pagkakatulad ng kanyang karakter sa serye, “Si Heart at si Julie, parehong masayahing tao. Gusto nila na may napapasayang tao. Hardworking at serious sa craft.

“Heartful Cafe is a romcom so nakakatuwa ‘yung character ko rito. Easy-going lang siya. Naa-apply ko ‘yung kakulitan ko dito na not everybody knows po,” kuwento ng TV host-actress at singer.

Kakaiba rin daw ang pag-arte niya bilang si Heart sa sa “HC” sa pagkanta o hosting, “Acting as Heart is different from singing or hosting kasi on stage dapat eksakto sa kailangan sa iyo. Sa Heartful Café, mas kenkoy at mas natural, mas okay.”

Dagdag pang chika ni Julie, “It’s really good to be back doing a series, talagang exciting and challenging. I’m excited kasi ang ganda ng story ng Heartful Cafe, may new set of actors na makaka-work ako, and of course production team na bago rin.

“It’s also challenging because of our current situation na new normal. We have limitations and we have to follow safety protocols po,” aniya pa.

Sabi naman ni David, bukod sa mga pakilig at pampa-good vibes na mga kaganapan sa serye at ang pagpapakita niya ng hunky body, viewers can also learn a thing or two about business management.

“Not only ‘yung mga tao matutuwa dahil romantic-comedy siya, light siya, I think matututunan din nila maging passionate when it comes to business, maging goal-driven, maging hardworking kasi ‘yung mga characters sa show ay talagang very focused sa ginagawa nila,” sey ng Kapuso hunk.

Sa trailer pa lang ng “HC” ay ilang beses nang nag-topless si David kaya naman siguradong magpipiyesta na naman ang mga fans sa kanyang kaseksihan. Sabi nga ng binata, nasanay na rin siya sa mga ganu’ng eksena kaya go lang siya nang go.

Samantala, makakasama rin nina Julie Anne at David sa “Heartful Café” sina EA Guzman, Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Ayra Mariano at Victor Anastacio.

Abangan ang nakakakilig na love story nina Heart at Ace sa “Heartful Café,” simula sa April 26, weeknights pagkatapos ng “First Yaya”, sa GMA Network at GMA Heart of Asia.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending