Nanay ni Geneva Cruz pumanaw na matapos makipaglaban sa COVID-19
MAKALIPAS ang ilang araw na pakikipaglaban sa COVID-19, pumanaw na ang nanay ni Geneva Cruz na si Marilyn Cruz.
Mismong ang OPM artist ang nag-announce ng malungkot na balita sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook account.
Isang black and white photo ng kanyang ina ang ibinahagi ng actress-singer sa IG na may caption na, “With hearts broken and full of sorrow, our family would like to let you know that our Mom and Grandmother, Marilyn Cruz (@lynne_bunso), is now in heaven.
“[disappointed face, praying hands emojis] We will forever remember each of you who prayed and helped in whatever way that you can,” pahayag ni Geneva.
Patuloy pa niya, “She is gone too soon, and no one can ever replace her in our hearts. See you on the other side, mama…” sabi pa niya gamit ang mga hashtag na #prayersformama at #broken.
Bago pa ibalita ng dating member ng OPM group na Smokey Mountain ang pagpanaw ng ina kahapon, inanunsiyo pa niya na kailangan nang i-intubate si Mrs. Marilyn matapos lumala ang kundisyon nito, kabilang na ang pagbaba ng oxygen level nito.
Kuwento pa ng singer, nagtataka siya kung bakit biglang lumala ang kundisyon ng ina, “My mom’s blood oxygen is only 46 because of her severe pneumonia. She needs to be intubated (disappointed face emoji).
“This was her yesterday. How can she not be okay today when she was okay yesterday?! I don’t understand this!!!
“She’s supposed to get better. We are asking for prayers. Please (disappointed face, praying hands emoji. #prayersformama,” sabi pa ni Geneva.
Kung matatandaan, ibinalita niya noong April 11 sa kanyang social media followers na nagpositibo ang kanyang nanay sa COVID-19. Kasabay nito, humiling rin siya ng dasal para sa mabilis nitong paggaling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.