PETRON itataya ang solo liberato | Bandera

PETRON itataya ang solo liberato

Barry Pascua - September 03, 2013 - 03:00 AM

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

5:15 p.m. Petron Blaze vs Barako Bull

7:30 p.m. Meralco vs Alaska Milk

Team Standings: Petron Blaze (4-1); Barako Bull (3-1); Rain or Shine (3-2); Alaska Milk (2-1); Talk ‘N Text (2-2); Global Port (2-2); Meralco (2-2); Barangay Ginebra (1-3); San Mig Coffee (1-3); Air21 (1-4)

SOLO liderato ang paglalaban ng Petron Blaze at Barako Bull sa kanilang pagkikita sa 2013 PBA Governors’ Cup mamayang alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ikatlong sunod na panalo naman ang pilit aangkinin ng Alaska Milk Aces kontra Meralco Bolts sa alas-7:30 ng gabi na main game.

Gumaganda ang performance ng Boosters sa ilalim ng bagong head coach na si Gelacio Abanilla III. Mayroon silang four-game winning streak matapos na matalo sa kanilang unang laro kontra Meralco.

Nabigo rin ang Energy Cola sa unang laro kontra Talk ‘N Text kung saan natalo sila sa overtime, 118-113. Pero matapos iyon ay nagbulsa sila ng tatlong sunod na panalo.

Sa import matchup ay magtutunggali sina Elijah Millsap ng Petron at Michael Singletary ng Barako Bull. Sisikapin ng dalawa na maipakita sa lahat kung sino ang tunay na magaling.

Mas malalim nga lang ang bench ng Petron kung kaya’t mas marami ang pwedeng sumoporta kay Millsap. Kabilang na rito sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Lutz, Marcio Lassiter at ang nagbabalik na si Danny Ildefonso.

Malaking rebelasyon naman para sa Barako Bull ang rookie point guard na si Emman Monfort na siyang gumagaod sa opensa ng Energy Cola.

Ang iba pang sumusuporta kay Singletary ay sina Danny Seigle, Mick Pennisi, Mark Macapagal at Ronjay Buenafe.

Matapos namang maungusan ng Global Port, 91-88, ang Aces ay nagwagi kontra defending champion Rain or Shine (94-79) at Barangay Ginebra (102-99).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Aces ay pinamumunuan ng import na si Wendell McKines, isang mahusay na inside operator. Makakatapat niya si Mario West na isang matinding scorer para sa Meralco.

Makakatulong ni McKines sina Cyrus Baguio, JVee Casio, Sonny Thoss and Calvin Abueva.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending