Tambalang Lovi-Rocco may magic pa rin; Mikee, Kelvin ibinuking ang sikreto ng loveteam | Bandera

Tambalang Lovi-Rocco may magic pa rin; Mikee, Kelvin ibinuking ang sikreto ng loveteam

Ervin Santiago |April 16,2021
facebook
share this

Tambalang Lovi-Rocco may magic pa rin; Mikee, Kelvin ibinuking ang sikreto ng loveteam

Ervin Santiago - April 16, 2021 - 10:39 AM

TILA walang pressure at natural lang ang chemistry ng Kapuso loveteam na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

May sikreto nga ba sa likod ng kanilang epektibong pagpapakilig sa mga Kapuso fans at viewers?

Ibinahagi ng dalawa na effortless ang kanilang tambalan at kung ano ang nakikita on screen at sa social media ng mga manonood ay ganito talaga sila kahit off-cam.

Say ni Mikee, “Feeling ko that’s why it worked. Because we were not pressured. We weren’t really trying. ‘Yun kami, ganu’n lang talaga kami mag-asaran.”

Dagdag naman ni Kelvin, “Masaya ako na may mga kinikilig sa amin. Kasi nasi-share namin ‘yung nararamdaman namin sa kanila. Kung hindi kami kinikilig sa isa’t isa, hindi rin sila kikiligin sa amin.”

Pagkatapos ng kanilang pagganap bilang Harvey at Apple sa hit at trending series sa GTV na “The Lost Recipe”, may inilabas namang bagong single sina Mikee at Kelvin na pinamagatang “Two Of A Kind” mula sa GMA Music. Mapapakinggan na ito sa YouTube Music, Spotify, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide!

* * *

Malapit sa puso ni Rocco Nacino ang karakter niyang si Dr. Kenneth Paul sa Kapuso series na “Owe My Love.”
Sa #KPRGAsks ni Kapuso PR Girl, ibinahagi ng aktor kung paano niya nagamit dito ang kanyang nursing degree.

“I felt loved when the production was there to ask me paano ba ginagawa ito [medical routines]. It was really nice to instill information and knowledge to the cast,” sabi ni Rocco.

Si Dr. Kenneth Paul ang gwapong doctor na ka-love triangle ni Doc Migs (Benjamin Alves) kay Sensen Guipit (Lovi Poe).

After ng kanyang guesting sa patok na romcom series ng GMA Public Affairs, malamang ay paghahandaan na ni Rocco ang next project niya na “Artikulo 247” na kabilang sa halos 100 bagong programang ni-reveal ng GMA Network kamakailan lang. Makakasama ni Rocco sa serye sina Rhian Ramos, Mark Herras at Jackie Rice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero bago ‘yan, tutukan muna ang harapan nina Rocco at Ben para sa puso ni Lovi sa “Owe My Love,” tuwing, 9:35 p.m., sa GMA Telebabad.
In fairness, may kilig at may magic pa rin ang tambalan on screen nina Lovi at Rocco kahit pa matagal na silang naghiwalay bilang magdyowa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending