Pia may pabaong 'pampaswerte' kay Rabiya Mateo sa Miss Universe | Bandera

Pia may pabaong ‘pampaswerte’ kay Rabiya Mateo sa Miss Universe

Ervin Santiago |April 14,2021
facebook
share this

Pia may pabaong ‘pampaswerte’ kay Rabiya Mateo sa Miss Universe

Ervin Santiago - April 14, 2021 - 09:40 AM

MAY “pabaon” pala si Pia Wurtzbach kay Rabiya Mateo para sa pagrampa nito sa gaganaping 69th Miss Universe pageant sa Amerika.

Itinuturing na rin itong pampaswerte ni Rabiya mula sa ating 2015 Miss Universe para sa paglaban niya sa nasabing international beauty pageant na gaganapin sa Hollywood, Florida, USA sa May 16 (US time).

“I am actually preparing a little care package na pwede niyang dalhin sa Miss Universe.

“So it is just like little pageant essentials that you need when you are competing and also a few good luck charms,” ang pahayag ni Pia sa panayam ng ABS-CBN bago pa lumipad patungong Los Angeles si Rabiya.

Nangako rin si Pia sa ating kandidata sa Miss Universe ngayong taon na anumang oras ay maaari siya nitong tawagan at kausapin kung meron itong kakailanganin.

“Ayoko ko lang siya guluhin masyado because I know how busy it is right now. But I do message her and she knows that she can always text me or call me whenever she needs anything,” pahayag pa ng actress-TV host.

Nasa Amerika na nga ngayon si Rabiya at handang-handa nang umeksena sa mga pre-pageant activities ng Miss Universe pageant pati na sa grand coronation night.

“Sa mga kababayan ko sa Pilipinas, nandito na ako ngayon sa Los Angeles. Pinapangako ko na gagawin ko lahat ng posibleng gawin para maiuwi ulit natin ang korona sa bayan,” sabi ni Rabiya sa isang video.

Dagdag pa niyang pakiusap, “Mahal ko kayo, at please po ipagdasal niyo ako at suportahan sa laban na ito.”

Chika pa ng dalaga, medyo nahihirapan lang daw siyang mag-adjust sa oras doon, “My body hasn’t adapted yet to a different time zone. I’m having a hard time coping up with my jetlag.

“However, yesterday I wasn’t able to update you guys. But I was pressing whole day. Ibigay niyo na sa akin. Tapos my first international flight, and it took us 13 hours to be here. So, pagod na talaga,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending