Diego nakikita na ang sarili bilang asawa ni Barbie kasama ang kanilang mga anak Bandera

Diego nakikita na ang sarili bilang asawa ni Barbie kasama ang kanilang mga anak

Reggee Bonoan |April 08,2021
share this

Diego nakikita na ang sarili bilang asawa ni Barbie kasama ang kanilang mga anak

Reggee Bonoan | April 08,2021 - 06:12 PM

PERFECT boyfriend ba si Diego Loyzaga?

Yan ang isa sa mga itinanong sa aktor sa  katatapos lang na virtual mediacon para sa bago niyang pelikulang “Death of a Girlfriend” na idinirek ni Yam Laranas kung saan katambal niya si AJ Raval.

“Ha-hahaha! I think si Barbie (Imperial) po ang makakasagot niyan,” natawang sabi ng binata.  Pero sinisiguro ni Diego na sweet at supportive siyang boyfriend sa babaeng minamahal.

Ano ang sikreto ng magandang relasyon nila ni Barbie at paano nila ito naitatawid sa panahon ng pandemya at lockdown.

“Secret? I don’t think there is a secret po kasi for me being in a relationship is a never ending parang compromise ‘yung dalawa. Isa kayo, siyempre meron kayong mga differences like ‘yung mga hindi pagkakasunduan pero marami rin kayong mga likes sa isa’t isa.

“So, there’s no secret doon, it’s work like in any relationship even friendship din ganu’n din.

“But iba kasi ‘yung relationship kasi ‘yung pupuntahan n’yo eventually is marriage have a family, have kids, so ganu’n ko na tinitingnan with Barbie and ganu’n din naman niya tinitingnan with me.

“We understand each other and not everyday is a good day like in any relationship and we understand each other even more, so it’s no a secret but it’s easier than done and something I like about her, si Barbie kasi can be the most maternal person in a sense na para siyang nanay kung mag-alaga and the same time para siyang baby.

“So ‘yun ang gustung-gusto ko kasi gusto ko rin naman na ako ang nag-aalaga. I like how she can bring out the best in me and pag siya naman pag kailagan niya ng alaga hinihingi naman niya sa akin,” paglalarawan ng aktor sa relasyon niya sa kanyang “the one.”

Yes inamin na ni Diego na si Barbie na ang kanyang “the one” at napag-uusapan na nga raw nila ang kasal.

“Ganu’n naman dapat, di ba? Ang aga pa (26 years old ang aktor) pero mature si Barbie in a sense na nothing has not to waste. Ganu’n naman kasi talaga when you’re in a relationship with somebody, sayang naman kung you’re in a relationship with somebody but if you don’t think of those things.”

Nakikita na raw ni Diego na si Barbie na ang gusto niyang makasamang matulog gabi-gabi at magkaroon sila ng mga anak kahit masyado pang maaga itong pag-usapan.

Samantala, ang gyst ng “Death of a Girlfriend” ay isang mystery love story na hahanapin ang katotohanan base sa kuwento ng tatlong taong nasasangkot sa isang brutal na krimen.

Nang hindi nakita ni Alonzo (Diego) ang kanyang girlfriend na si Christine (AJ) papasok sa kanyang eskwela ay nag-alala na siya at naramdaman na may maling nangyari.

May makikita siyang dalawang kahina-hinalang lalaki na lalabas galing sa kakahuyan na madalas ding daanan ni Christine. Ang dalawang kahina-hinalang tao ay isang forest ranger at isang drug dealer farmer na magiging prime suspects sa rape at murder ni Christine.

Ilalahad nila ang kanilang mga kuwento hanggang sa araw na nadiskubre ang katawan ni Christine sa kakahuyan. Iimbestigahan din ng mga pulis si Alonzo tungkol sa kanilang relasyon ni Christine.

Ilalahad ni Alonzo ang kanilang love story, at kung paano madalas nagiging sagabal ang dalawang suspek sa kanila. Isa sa kanila ang nagsisinungaling, isa ay tinatago ang katotohanan, at isa naman ay gumagawa lang ng istorya.

At isang tao lang ang tanging makakapagsabi ng totoo tungkol sa nangyari noong araw na ‘yun sa kakahuyan, at iyon ay walang iba kundi si Christine.

Sa pamamagitan ng forensic investigations ay ilalahad ni Christine ang totoong nangyari sa kanyang pagkamatay.

Panoorin ang thrilling na love trip ng Death of a Girlfriend sa Abril 30 sa worldwide premiere nito sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV sa halagang P250 at sa Vivamax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending