Download speed sa fixed broadband internet ng bansa muling tumaas | Bandera

Download speed sa fixed broadband internet ng bansa muling tumaas

- April 05, 2021 - 07:16 AM

Muling nakapagtala ng pagtaas sa download speed para sa fixed broadband internet sa Pilipinas noong nakalipas na buwan ng Marso, ayon sa ulat ng  Ookla Speedtest Global Index.

Ayon sa report ng Ookla, 7.79Mbps ang naitalang pagtaas sa internet speed kung saan mula sa 38.46Mbps noong Pebrero ay umakyat sa 46.25Mbps noong Marso. Ito ang maituturing na “highest jump” sa internet speed ng bansa mula nang mag-umpisa ang Duterte administration.

Katumbas ito ng monthly increase na 20.25% at 484.70% increase sa download speed ng bansa kung ikukumpara sa 7.91Mbps noong July 2016.

Ang overall performance naman para sa mobile network ay bahagyang bumaba mula sa 26.24Mbps noong Pebrero sa 25.43Mbps noong Marso.

Sa kabila nito, ang mobile network performance sa bansa ay mataas pa rin ng 241.80% mula sa 7.44Mbps lamang noong July 2016.

Ang pagbuti ng internet speed sa bansa ay kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2020 na pabilisin ang proseso sa aplikasyon ng permit sa mga local government units para sa pagtatayo ng cellular towers.

Simula noon, tumaas ang bilang ng inilalabas na permits mula July 2020 hanggang March 2021.

Magugunitang noong Marso 8, 20201 ay pormal nang inilunsad ang DITO Telecommunity, ang third na telco sa bansa.

Nag-ooperate na ngayon ang DITO sa Visayas at Mindanao. Sa kalagitnaan ng taon, target ng DITO na magkaroon na rin ng operasyon sa Metro Manila.

Dahil dito inaasahang mas bubuti pa ang internet speed dahil umigting ang telco market competition sa pormal na paglulunsad ng DITO.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending