Julia tinapatan ang 'paghuhubad' ni Gerald sa harap ni Yam; Angel may 21M followers na sa FB Bandera

Julia tinapatan ang ‘paghuhubad’ ni Gerald sa harap ni Yam; Angel may 21M followers na sa FB

Reggee Bonoan |March 29,2021
share this

Julia tinapatan ang ‘paghuhubad’ ni Gerald sa harap ni Yam; Angel may 21M followers na sa FB

Reggee Bonoan | March 29,2021 - 04:18 PM

UMABOT na sa 21 million ang followers ni Angel Locsin sa Facebook, 12.6 million sa Twitter at 8.5 million naman sa Instagram kaya naman nagbubunyi ang supporter at mga friends ng aktres.

Pang-apat si Angel sa local celebrities sa may pinakamaraming followers sa FB na pinangungunahan nina Marian Rivera, 25.1M; Niana Rivera, 23.3M; ABS-CBN, 21.5M; at GMA, 20.8M.

Ibinalita ng admin ng FB ni Angel ang tungkol dito, “21M followers in 2021! What a sight, indeed. Congratulations to our dear Angel! We are 21 million strong, mga Kapamilya and fellow Angels all over the world!”

Kaya naman abut-abot ang pasasalamat nila sa lahat ng walang sawang sumusuporta sa Kapamilya star.

“Thank you for making this happen. Our engagement rates are amongst the highest, and your overflowing love for our Queen Angel is much appreciated.

“Thank you for being part of this platform where we see how Angel truly wears her crown in her heart. We take great pride in supporting this beautiful soul who in return gives us nothing but her best, always.”

* * *

Sinadya kaya ni Julia Barretto na i-post sa Instagram ang larawan niyang naka-swimsuit na pinatungan ng white long sleeves at kita na halos ang kanyang butt?

May nga nagtatanong na mga netizens kung sinabayan daw niya ang viral photo at video ni Gerald na  naka-boxer briefs na kuha sa isang eksena nito sa seryeng “Init sa Magdamag” kasama si Yam Concepcion.

Base kasi sa teaser ng bagong Kapamilya teleserye ay hinubad ng aktor ang pantalon sa harap ng aktres kaya napamulagat ang dalaga. Mabilis itong naging trending topic sa Twitter.

Pinag-usapan din ang eksenang naka-boxer briefs si Gerald nina Ogie Diaz at Mama Loi sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel na ilang beses ipinakita ang paghuhubad ng aktor ng pantalon hanggang sa tumambad ang ipinagmamalaki nito.

Baka naman gustong ipahiwatig ni Julia na hindi lang ang boyfriend niya ang may ipagmamalaki kundi siya rin.

O, baka naman gusto niyang ipaalala kay Gerald ang presensya niya dahil sexy din naman si Yam, in fairness.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending