Solo single debut ni Rose ng Blackpink umakyat sa No. 43 sa UK charts
Umakyat sa No. 43 sa Official Charts ang solo debut ni Rose ng South Korean girl group Blackpink.
Dahil dito, naging kauna-unahan siyang K-pop na babaing soloista na napabilang sa British music ranking.
“On the Ground,” ang bagong release ni Rose, ay umabot sa No. 43 sa latest version ng Official Singles Top 100 na ina-update kada linggo.
Bilang grupo, ang Blackpink ay ilang beses nang napabilang sa British music chart, kasama na ang No. 20 ranking nito noong 2020 dahil sa kanilang megahit na “How You Like That.”
Inilabas ni Rose ang kanyang unang solo na kanta noong Marso 12, mahigit apat na taon mula nang siya ay maging bokalista ng Blackpink.
Ang double-track album, na kinabibilangan ng mga kantang “On the Ground” at “Gone,” ay nakabenta ng physical version nito ng may 280,000 kopya sa unang linggo pa lamang.
Tumabo ang “On the Ground” maging sa iTunes sa 51 territories at umabot ito sa No. 8 sa streaming giant na Spotify. Ang opisyal na music video nito ay pinanuod ng may 100 milyong beses sa YouTube sa halos isang linggo pa lamang.
Mula sa ulat ng The Korea Herald/Asia News Network
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.