Maris Racal, Rico Blanco inulan ng tukso dahil sa jamming video; magdyowa na ba? Bandera

Maris Racal, Rico Blanco inulan ng tukso dahil sa jamming video; magdyowa na ba?

Ervin Santiago |March 17,2021
share this

Maris Racal, Rico Blanco inulan ng tukso dahil sa jamming video; magdyowa na ba?

Ervin Santiago - March 17, 2021 - 03:34 PM

PINUSUAN at ni-like ng mga celebrities ang kilig birthday post ng Kapamilya youngstar na si Maris Racal para sa singer-songwriter na si Rico Blanco.

Inulan ng tukso ang dalawa mula sa kanilang mga tagasuporta at mga kaibigan sa showbiz kaya naman ang tanong ng madlang pipol ay kung may “something” na ba sa pagitan nila.

Hot topic ngayon sa social media ang ipinost ni Maris sa Instagram na black and white photo ni Rico na nakatalikod at isa pa na magkasama naman sila habang nagdya-jamming.

“Hi, Rico. Happy birthday,” ang maikling caption ng dalaga sa kanyang birthday greeting na sinundan na nga ng sandamakmak na comments mula sa mga netizens.

Iisa ang tanong ng fans ni Maris at ng dating Rivermaya frontman na nagse-celebrate nga ng kanyang 48th birthday — nagde-date na ba ang dalawa o magdyowa na?

Isa sa mga nagkomento sa kilig IG post ni Maris ay ang box-office director na si Antoinette Jadaone na nagsabing, “Akala ko may kiss sa dulo ihhhhh.”

Puro heart emoji naman ang comment nina Chie Filomeno at Awra Briguela na pwedeng ang ibig sabihin ay punumpuno ng love sa pagitan nina Maris at Rico.

Sey naman ni Alex Gonzaga, “Ay iba (clapping emoji.”

“Awwwww! Cute n’yo! Happy birthday Rico!” pagbati naman ni Bianca Gonzalez.

“Ba’t parang may something?” sabi ng isang netizen habang sey naman ng isa pang fan, “Para kayong mag-jowa.”

Ilan pa sa mga nag-react sa IG video nina Maris at Rico ay sina Sue Ramirez, Maja Salvador, Miles Ocampo, AC Bonifacio, Bela Padilla at marami pang iba.

Kung matatandaan, noong 2019, nagkaroon ng collaboration ang dalawa para sa kantang “Abot Langit”. Aminado naman si Maris na talagang idol niya ang OPM icon simula pa noon.

Natatandaan pa ng dalaga ang isa sa mga tips sa kanya ni Rico sa pagsusulat ng kanta, “Mayroon din ako pinarinig sa kanya na I’m sure na sa taste niya, magugustuhan niya and then sabi niya, ‘yung advice niya sa’kin sa age ko, ‘Huwag ka munang dumiretso doon.’

“Doon ka muna sa sweet, pop, catchy song and then i-maintain mo lang siya until you can do your thing na which is ‘yung artsy kind of songs. So yun yung advice niya sa akin,” pahayag ni Maris sa isang interview.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending