Jeric na-in love na nga ba kay Sheryl; Kelvin pinarangalang 'Fast Emerging Actor of the Millennium' Bandera

Jeric na-in love na nga ba kay Sheryl; Kelvin pinarangalang ‘Fast Emerging Actor of the Millennium’

Ervin Santiago |March 14,2021
share this

Jeric na-in love na nga ba kay Sheryl; Kelvin pinarangalang ‘Fast Emerging Actor of the Millennium’

Ervin Santiago March 14, 2021 - 12:22 PM

MAS lalo pang bumobongga ngayon ang career ng Kapuso actor at “The Lost Recipe” lead star na si Kelvin Miranda.

In fairness, mula nang ipalabas ang serye nila ni Mikee Quintos sa GTV, nagsunud-sunod na ang pagdating ng mga blessings sa buhay niya.

Ngayong 2021, magkakasunod na  parangal ang natanggap ni Kelvin. Kamakailan ay kinilala si Kelvin sa 4th Asia Pacific Luminare Awards bilang Philippines’ Fast Emerging Actor of the Millennium.

Ang Asia Pacific Luminare Awards ay kumikilala sa achievements at contributions ng mga personalidad sa iba’t ibang larangan.

Ayon sa kanilang website, “Asia Pacific LUMINARE Awards and Asia’s Top Luminary Awards would like to honor and recognize them for their contribution and accomplishments.

“It is essential that we learn from their experiences and encourage them to continue in what they are doing and even support their growth so that they can be more and do more.”

Last January lang ay tinanggap ni Kelvin ang Best Young Actor sa 7th Urduja Heritage Film Awards para sa pelikulang “Dead Kids.”

Sey ng binata, maganda ang pasok  ng 2021 sa kanya at isa nga sa itinuturing niyang lucky charm ay ang “The Lost Recipe” kung saan gumaganap siya bilang si Chef Harvey Napoleon.

“Masaya po ako dahil maganda ang salubong sa akin ng 2021. Bukod sa The Lost Recipe, na-appreciate po ng mga tao ang pelikula naming pinamagatang Dead Kids,” aniya.

Taong 2019 nang masungkit ni Kelvin ang kanyang first Best Actor trophy sa 6th Urduja Film Festival para naman sa indie film na “The Fate.”

                          * * *

Magsasalita na si Jeric Gonzales tungkol sa kumakalat na balita na totoong nahulog na ang kanyang loob sa kanyang “Magkaagaw” co-star na si Sheryl Cruz.

Isa lang ‘yan sa mga rebelasyong dapat abangan sa “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo, March 14, sa GMA 7.

Si Jeric at Yasser Marta ang special guests nina Boobay at Tekla sa kanilang programa. Ang dalawa sa hottest Kapuso leading men ngayon, mapapasubo sa segment na “May Pa-PressCon.”

Paaaminin kasi si Jeric sa real score sa kanila ni Sheryl. Samantala, mapapaamin din si Yasser tungkol sa isang Kapuso actress na kanyang sinubukang ligawan.

Matapos ma-hot seat, maglalaro naman sina Jeric at Yasser sa fun trivia game na ”Wag na ‘Wag Mong Sasabihin.” Kasama nila sa kulitan ang The Mema Squad na kinabibilangan nina Pepita Curtis, Ian Red, Skelly Clarkson at Krissy Achino.

Mapapanood din ang “Dear Boobay and Tekla” kung saan magbibigay ng payo ang fun-tastic duo at The Mema Squad tungkol sa isang letter sender na hindi pa ulit naligo sa loob ng dalawang taon.

Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa “The Boobay and Tekla Show” tonight, pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending