Sheryl umaming tinanggihan ang kabitserye ng GMA, pero bakit biglang nagbago ang isip?
SUPER happy ang premyadong aktres at “Magkaagaw” star na si Sheryl Cruz sa magandang feedback na natatanggap ng kanilang high-rating GMA Afternoon Prime series.
Isa ito sa mga tinututukan ng Kapuso viewers tuwing hapon dahil sa kakaibang kuwento ng kabitan, paghihiganti at pagmamahal sa pamilya.
Pero alam n’yo ba na tinanggihan pala ni Sheryl ang role bilang si Veron Santos noong unang inalok ito sa kanya dahil napakarami raw challenge ang hinihingi ng kanyang karakter.
“In the beginning, I actually turned down the project because ang dami-daming hinihingi. Ito ‘yung pinaka-daring kong character sa TV drama na ginawa ko.
“But I was so happy that I was able to do it and successfully portray the role of Veron,” pahayag ng aktres sa panayam ng GMA.
Dagdag pa niya, “One of the reasons why I reconsidered the role is because the story of ‘Magkaagaw’ actually revolves around Veron Santos kasi na-fuel ang kanyang pang-aagaw kasi siya ang unang inagawan ng asawa.”
Nagkomento rin si Sheryl sa libu-libong fans na humahanga sa kanyang mahusay na pagganap bilang kalaguyo ni Jio sa serye, na ginagampanan naman ni Jeric Gonzales.
“Actually they’re very affected, ‘no? Which means I did my job right. Kasi kung walang naapektuhan siguro mali ‘yung ginawa mong portrayal.
“But then, siguro dapat i-open na natin ang ating senses sa pagtanggap na characters are just characters na dapat hindi gawing personal. It’s our job as actors to deliver entertainment for our viewers,” aniya pa.
“Maraming level up na confrontation scenes not only between Laura (Sunshine Dizon) and Veron, kundi pati na rin kay Clarisse (Klea Pineda) and Veron, Jio and Veron, Gilda (Patricia Tumulak) and Veron. So you have to watch out for that,” lahad pa ng Kapuso actress.
Patuloy na subaybayan ang “Magkaagaw” mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA.
* * *
Patuloy naman ang GMA sa pagbibigay ng mga programang naghahatid ng drama, kilig, at saya sa kanilang loyal viewers.
Patunay na nga rito ang pinag-uusapan at talaga namang sinusubaybayang mga serye sa Afternoon Prime na “Magkaagaw,” “Babawiin Ko Ang Lahat,” “Bilangin ang Bituin sa Langit,” at primetime shows na “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,” “Love of My Life” at “Owe My Love.”
Bukod pa riyan, pinaghahandaan na rin ng Kapuso Network ang ilan pa sa mga bagong programang tiyak na aabangan ng viewers.
Ilan sa mga ito ang “GMA Inspire,” “Zoom-serye,” “Quarantitas,” “#Like4Like,” “The Fake Life,” “Ilaw,” “Frozen Love,” “Only Me and You,” “#Familygoals,” “Someone Like You,” “This Is Your Moment” at “Sa Gillage.”
Kagigiliwan din ang mga programang “Ate Girls,” “Basketboys,” “Hapi And Gae,” “Jowa Sessions,” “Sana All” at “Dreamland Hotel” na mapapanood naman sa GTV.
Sinu-sino kaya ang mga Kapuso stars na aabangan sa mga programang ito? Tumutok lang sa GMA para sa iba pang mga detalye sa lahat ng upcoming shows na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.