Gerald umamin na sa relasyon nila ni Julia; dumepensa sa panggo-ghosting kay Bea
“VERY happy. It’s a yes.” Yan ang ipinagdiinan ni Gerald Anderson nang tanungin kung si Julia Barretto nga ba ang nagpapasaya ngayon sa kanyang puso.
Sa wakas, umamin na rin ang Kapamilya hunk actor tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na nagsimulang pag-usapan noon pang 2019.
Sa panayam ni Boy Abunda kay Gerald na in-upload sa YouTube ngayong araw, tinanong ang binata kung totoong “masayang-masaya” siya ngayon.
“You are happy,” sabi ng TV host.
“Yes, Tito, I am,” sagot ni Gerald.
Sundot ni Boy, “Are you happy because of Julia?”
“Very happy,” diretsong tugon ng aktor. Ulit niya, “Very happy, Tito Boy. It’s a yes.”
At nang tanungin uli siya kung si Julia ba ang dahilan ng kanyang napakatamis na ngiti, “Yes, Tito Boy… It’s a yes, very happy.”
Nabalitang nagkakamabutihan na sina Julia at Gerald matapos ang controversial breakup ng aktor at ni Bea Alonzo. Ngunit parehong dinenay nina Gerald at Julia ang tsismis.
Samantala, binalikan din ni Gerald ang kontrobersyal na hiwalayan nila Bea, “At that point nu’ng pumutok, I’ve had my moments na parang, ‘Oh my God. Paano ko nalagay ‘yung sarili ko sa ganitong (sitwasyon)?
“‘What did I do?’ I try to be a good person. Bakit? I’m not gonna say na wala akong mali. I know. Pero kailangang umabot sa ganun? I mean, did we really have to take the social media route or path?” lahad ng binata.
Patuloy pa niya, “Ang pait, ang lala. Ang pinakamasakit pa is what I’ve heard even behind the cam. ‘Yung mga nakarating sa akin, ‘yung intimate moments namin bilang boyfriend-girlfriend.
Parang, kailangan ba talaga umabot sa ganito?”
Tungkol naman sa panggo-ghosting umano niya kay Bea, “I can remember that moment like kahapon lang siya nangyari. But I can’t… I don’t have the guts to put someone in a bad light because gusto ko linisin ‘yung image ko or ‘yung side ko.
“Ganito lang po ‘yun. Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner tapos nag-decide ako mag-back out and ‘di magpakita kahit kailan. ‘Yun ba ang definition?
“Or is it walking away from a very unhealthy, toxic, not saying na siya ‘yung toxic, but being together, we were very toxic. Hindi narerespeto ‘yung explanation na ibinibigay mo, hindi tinatanggap.
“After months and months and months and months of being on the rocks and puro away, I mean, ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that. Bahala na po kung paanong ano, but if ‘yun ‘yung ghosting, I’m guilty of one of those two,” paliwanag ni Gerald.
Aniya pa, “Wala na po akong magagawa Tito Boy, eh. Again, hindi rin ako ‘yung tipo ng tao na, kahit ang daming nagsasabi, ‘Hindi, magsalita ka.’ I couldn’t look at myself in the mirror kapag nagkwento pa ako about my relationship at kung paano kami naghiwalay or hindi naghiwalay. No.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.