Suspek sa pagnanakaw sa bahay ni Xian di pa rin nahuhuli; dumepensa sa pa-house tour ng mga artista | Bandera

Suspek sa pagnanakaw sa bahay ni Xian di pa rin nahuhuli; dumepensa sa pa-house tour ng mga artista

Reggee Bonoan |March 04,2021
facebook
share this

Suspek sa pagnanakaw sa bahay ni Xian di pa rin nahuhuli; dumepensa sa pa-house tour ng mga artista

Reggee Bonoan - March 04, 2021 - 03:47 PM
WALA pa rin palang resulta ang imbestigasyon sa pagnanakaw sa bahay ng aktor na si Xian Lim.

Halos dalawang buwan na ang nakararaan mula nang maganap ang insidente pero bokya pa rin. Ito ang nabanggit ng aktor sa ilang miyembro ng media at bloggers kamakailan.

“Ganu’n ‘yung proseso, I guess you just file na ganito ‘yung nangyari, ganu’n na lang. Wala, eh. You can’t take it further na parang ano bang next steps, wala na.

“Parang magpapagod ka ba para hanapin ‘yung mga tao na medyo mahirap na hanapin. So ‘yun. I think it’s a matter of not letting it happen again on my part,” pahayag ni Xian.

Ayon sa netizens ay nawawala ang privacy ng mga artista dahil sa pa-house tour nila na marami ang nakakapanood bagay na inaabangan din ito ng mga taong gustong gumawa ng hindi maganda.

“Hindi pwedeng mabaling ang kasalanan doon sa victim, eh. ‘Di ba? Ang puno’t dulo niyan is hindi tamang magnakaw. So, I think vloggers are gonna do what vloggers have to do.

“So, hindi siya mali para sa akin. I don’t think dapat mag-hold back ang isang creative na tao kung gusto nilang ipakita ‘yung bahay nila,” sangga ng binatang aktor.

Tama rin naman. Siguro dapat talagang maging mahigpit ang security sa subdivision, maraming CCTV at guard dogs para magbigay ng babala.

Anyway, matagal na ring magkarelasyon sina Xian at Kim Chiu kaya natanong ang aktor kung may kilig pa ba siyang nararamdaman dahil sabi ng iba kapag matagal na ay masyado ng complacent.

“Oo naman. Siyempre. Lagi ko ngang sinasabi na sa isang relationship, dapat every single day, you work on it. Bawal makapante sa isang relationship,” diin ni Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero tulad ng sinasabi nilang dalawa ay hindi pa nila naiisip na dalhin sa higher level ang kanilang relasyon dahil busy pa sila sa kanilang respective careers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending