Big Brother official houseguests pinangalanan na | Bandera

Big Brother official houseguests pinangalanan na

Reggee Bonoan |February 27,2021
facebook
share this

Big Brother official houseguests pinangalanan na

Reggee Bonoan - February 27, 2021 - 05:27 PM

Russco Jarvina

May pasabog na naman na magaganap sa loob ng Bahay ni Kuya sa susunod na mga araw dahil nalaman na ang official houseguests na makakasama ng housemates para sa isang espesyal na task sa “PBB Connect.”

Sina Christian Bahaya at Russco Jarvina ang nagtagumpay sa online tasks ni Kuya sa ginawang “PBB Connect Online Bahay Ni Kuya” sa Kumu na silang dalawa ang may pinakamaraming nalikom na diamonds na 32.1 milyon at 27.5 milyon na diamonds respectively.

Tubong Kiblawan, Davao del Sur si Christian na mahilig ipamalas ang kanyang galing sa pagkanta sa pagsali sa mga kompetisyon. Sa katunayan, naging “Tawag ng Tanghalan” Season 2 semi-finalist si Christian at pumasok din siya sa top 15 ng “Your Moment” kasama ang kanyang boy group na COVE.

Christian Bahaya

Christian Bahaya

Samantala, isang YouTube vlogger at basketball player naman ang 18-anyos na si Russco na mahilig sa pagti-TikTok at pagva-vlog sa YouTube. Sa katunayan ay iniidolo ni Russco sina Daniel Padilla, Enrique Gil, at James Reid.

Papasok din sa Bahay ni Kuya ang dalawang nakakuha ng maraming diamonds noong “PBB Kumunect ng mga Housemates.” Ito ay sina Glenda Dela Cruz Victorio (95.9 million diamonds) at Dale Patrick Chua (71.2 million diamonds).

Isang young CEO ng isang cosmetics at skincare brand si Glenda na may dalawang anak. Kahit maraming naging pagsubok sa kanyang buhay ay pinatunayan nitong posibleng makaahon sa hirap kapag may determinasyon at lakas ng loob. Napili din siya bilang isa sa top 15 Inspiring Negosyante ng Go Negosyo.

Glenda Dela Cruz Victorio

Glenda Dela Cruz Victorio

Student achiever naman ang 17-anyos na si Dale at consistent honor student mula pa noong grade school at isa rin siyang varsity player sa basketball. Kursong accountancy ang kinuha niya dahil gusto niyang maging businessman tulad ng mabulang.

Sa kasalukuyan, kinukumpleto nina Christian, Russco, Glenda, at Dale ang mandatory 14-day quarantine bago makapasok sa bahay ni Kuya. Anong task kaya ang gagawin ng official houseguests kasama ang housemates?

Subaybayan ang mga pangyayari sa “PBB Connect” tuwing 10PM mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.

PBB

Samahan din sina Bianca Gonzales at Robi Domingo sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10PM (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai Cantiveros at Enchong Dee sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” 5PM sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn).

Abangan din ang updates ni Richard Juan anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother). Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending