Mambabatas kinasuhan ng libelo ni PLLO exec Paras kaugnay sa TikTok video
Sinampahan ng kasong libelo ni Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Undersecretary Jacinto Paras nitong Miyerkules si Quezon Representative Angelina Tan kaugnay sa isang TikTok video na nagpaparatang ng katiwalian laban sa mambabatas.
Inihapag ni Paras ang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office at humihingi ng P6 milyong danyos mula kay Tan dahil sa kanyang ginawang privilege speech noong Pebrero 8 na nag-uugnay kay Paras sa “malisyosong” video.
Sa TikTok video, pinaparatangan si Tan at ang kanyang asawa, si Department of Public Works and Highways regional director Ronnel Tan ng pagiging “corrupt na mang opisyal” sa harap ng mga alegasyon ng katiwalian sa pondong ipinalabas ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa isang medical facility na umano’y pag-aari ng mag-asawa.
Sinabi ni Tan na ang video ay sa website na www.sovereignph.com na nasa ilalim ng Sovereign News Publishing na pag-aari ni Paras. Ito ay ayon umano sa ulat ng National Bureau of Investigation at sa record na rin ng Department of Trade and Industry.
Tinanggal na rin ang video sa TikTok.
Pero itinanggi ni Paras na may kaugnayan siya sa pag-a upload ng video sa TikTok.
“The speech of respondent Tan accusing me of false claims is highly libelous as it portrayed me as a dishonest and lying government official to the prejudice and damage of my good reputation as a high performing and highly competent official of the government,” ayon sa reklamo ni Paras.
Tinuligsa rin ng PLLO official si Tan dahil sa mga alegasyon nito sa kanyang privilege speech na umano’y ninakaw niya ang cellphone ng isang dating kongresista.
“Her speech was purely personal and political in nature as it pertains to her political reputation and image as a politician and her quest to protect her reputation because of her ambition to run for governor of Quezon province,” ayon pa sa reklamo.
Si Paras ay PLLO undersecretary na nakatalaga sa House of Representatives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.