Lea nabwisit sa mga sumisingit sa pila para sa Covid-19 test; may payo sa mga beking ayaw pang umamin | Bandera

Lea nabwisit sa mga sumisingit sa pila para sa Covid-19 test; may payo sa mga beking ayaw pang umamin

Ervin Santiago - February 24, 2021 - 03:31 PM

NA-BAD trip ang international singer-actress na si Lea Salonga nang malaman niyang may mga taong feeling “entitled” pati sa pagpapa-COVID-19 test.

Sa kanyang Twitter account, ipinarating ng award-winning Broadway Star sa kanyang followers na may mga kaibigan siyang nagkuwento tungkol sa mga walang pakundangang sumisingit sa pila para mauna sa pagpa-swab test.

“Hearing stories of entitlement from friends… folks jumping the COVID testing line because they consider themselves above everyone else.

“Pati ba naman diyan nagpapauna kayo? Please lang! Wait your turn! That is all,” ang hugot na pahayag ni Lea.

Feeling ng ilang fans ng singer at theater actress, meron siyang pinatutungkulang personalidad sa isyung ito, lalo na yung mga maimpluwensiya at may mga kakilala sa iba’t ibang sangay na gobyerno.

Samantala, sa pa-Q&A session naman ng music icon sa kanyang Twitter page bilang bahagi pa rin ng kanyang 50th birthday celebration ay may nagtanong sa kanya ng, “What social stigma does society need to get over?”

Tugon ni Lea, “Thinking of LGBT as less than and undeserving of human rights.”

Kasunod nito, hiningan din siya ng advice ng isang netizen ara sa mga bading “who feel sorry for being closeted.”

Diin ni Lea, walang dapat magdikta sa kanila kung kailan nila nais ibandera ang kanilang tunay na pagkatao. Tanging ang inyong sarili lang daw ang makapagdedesisyon kung kailan n’yo gustong mag-out.

“One, you are not alone. Two, let no one ever drag you out of the closet.

“Only you can make that declaration, and no one else. Three, know that you are loved. Just be you, whenever you’re ready,” paalala pa ng premyadong singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending