Pokwang naloko sa pera: Pinagpaguran ko yan pero sige sa inyo na lang, ayoko nang magalit | Bandera

Pokwang naloko sa pera: Pinagpaguran ko yan pero sige sa inyo na lang, ayoko nang magalit

Reggee Bonoan - February 23, 2021 - 03:54 PM

IBINAHAGI ng komedyanang si Pokwang sa kanyang Instagram account ang larawan ng Antipolo Church na kinunan niya kaninang umaga.

Doon siya laging nagsisimba para humingi ng tawad at ipanalangin ang mga mithiin niya sa buhay.

Sabi ni Pokwang sa kanyang caption, “1980 from Pasig lumipat kami sa Antipolo, dito namin naranasan ang buhay na kahit mahirap nakakaraos dahil sa pagsisikap.

“Ang simbahan ng Antipolo ang araw-araw na saksi sa aking pagiging makulit ngunit puno ng pangarap na batang paslit, minsan umiiyak ako sa Mahal na Birhen at nagtatanong ng mga katanungan na bilang isang bata ay bakit ang aga kong danasin ang hirap?

“Ngunit dito ko rin nakuha sa bayan ng Antipolo ang kasagutan ng Mahal na Birhen. Sabi nya, ‘anak hindi kita pinahihirapan, pinapatapang lang kita at pinapatatag sa mga darating na agos ng buhay’ dito sa lugar na ito ako naging ina, at nawalan ng anak at matiising nanay,” pahayag ng komedyana.

Inalala rin ni Pokwang ang mga pinagdaanan niya noon sa buhay kung saan naging saksi rin ang simbahan ng Antipolo.

“Madalas ako nasa harap ng simbahan na ito para mangulit na bilhan ako ng ticket ng sweepstakes, suman at kasoy, sampaguita etc. Masaya, malungkot pero makulay ang buhay, kasing kulay ng bahag haring ito isang paalala na ‘wag mawalan ng pag-asa basta naniniwala ka sa kanya. #proudAntipolleñoAko,” ang mensahe pa ng TV at aktres.

Bukas naman sa publiko ang naging buhay ng komedyana, kung paano siya nagsikap at naiahon ang pamilya. At hindi rin naging madali ang pinagdaanan niya sa showbiz para makilala siya bilang Pokwang.

Kaya kahit sa panahon ng pandemya at maraming nawalan ng trabaho nang magsara ang ABS-CBN ay hindi siya pinabayaan ng Diyos dahil binigyan siya ng hosting job sa TV5 ng ilang buwan at dahil masinop sa pera kaya naipon nito ang kinita sa show.

Balita nga namin ay naghahanap siya ng magandang lupa sa probinsya para pagtayuan ng farm with rest house.

Samantala, curious kami kung para saan ang post ni Pokwang sa Twitter account niya ngayong araw na tila may nanloko sa kanya.

“Pinatawad ko nalang! Ayoko na magalit nakakapagod siguro nga nagalaw na nila ang pera ko pero wala silang maipakitang gawa sa order ko (emoji sad face) sana makatulong sa pamilya n’yo ang pera ko, pinagpaguran ko yan pero sige sa inyo nalang at sana maiayos nyo buhay nyo. God bless!” tweet niya.

Sabi ng kanyang madreng tagasubaybay na si @sisterPiningG, “@pokwang27 Babalik din sa iyo ang nawala sa ibang paraan tama ‘yan ipaubaya na lang and magdasal.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon naman kay @GailOrante, “@pokwang27 Mamang tandaan mo Di nagwawagi ang kasamaan hintay lang si Aling Karmi parating na at Kung ano man nawala SA’YO balik niyan sampung beses na grasya.”

Mula kay @ces_cortez, “@pokwang27 Mamang, Mabuti ang puso at hangarin mo pero un ang kapalit. Mas maganda ang balik sa yo in the end. God bless you.”
At sabi naman ni @ManilaTechNerd, “@pokwang27 Yakap Nay. Hugsss.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending