Vicki Belo may hiniling kay Lord bago pinatawad si Hayden Kho; binalikan ang '2009 video scandal'

Vicki Belo may hiniling kay Lord bago pinatawad si Hayden Kho; binalikan ang ‘2009 video scandal’

Ervin Santiago |February 23,2021
share this

Vicki Belo may hiniling kay Lord bago pinatawad si Hayden Kho; binalikan ang ‘2009 video scandal’

Ervin Santiago | February 23,2021 - 02:09 PM

MARAMING rebelasyon ang celebrity couple na sina Vicki Belo at Hayden Kho tungkol sa mga challenges na pinagdaanan nila bago tuluyang magkaroon ng masayang married life.

Ibinandera ng mag-asawa ang ilan  sa mga matitinding pagsubok na hinarap at nilabanan nila nang magkasama sa latest vlog ni Toni Gonzaga.

Isa na nga rito ang kontrobersyal na video scandal ni Hayden na sumabog noong 2009 na naging national issue pa nga dahil naimbestigan pa ito sa Senado.

Ayon kay Vicki, alam na niya ang lahat bago pa maglabasan sa internet ang mga nasabing video, “You know, what people don’t understand is nalaman ko everything in December, 2008. Parang we went through it together. So December I found out, we broke up January, February, March, April. We were apart for four months,” kuwento ng celebrity beauty doctor.

Naghiwalay raw sila noong 2008 dahil sa iba’t ibang issue at kalaunan nga nabiktima na si Hayden ng extortion mula sa mga taong nagpakalat ng nasabing video.

Ani Hayden, “‘Okay you give me this much, otherwise we’ll release this, the videos ganyan-ganyan.’ Basta binigyan ko siya ng kailangan niyang gawin para ma-prove sa akin na ‘yon lang copy niya.

“Hindi siya willing to negotiate, so the guy released it on my birthday, May 20,” dagdag ng model-doctor.

“So every week naglalabas sila, di ko alam kung sino. Naglalabas sila ng videos again and again,” aniya pa.

Talagang bagsak na bagsak daw si Hayden that time, “Walang words to describe it. It’s a mixture of…definitely there’s a lot of humiliation.

“There’s a lot of fear and there’s a feeling of desperation, na ‘what am I gonna do to fix this?’ When your dark life is exposed to the light, medyo nakakatakot talaga,” pahayag pa niya.

Napakalaki raw ng nagawa ni Vicki at ng pamilya niya para maka-recover siya. Pero aniya ang pananampalataya niya sa Diyos ang nagtaas uli ng lahat pagkabagsak niya.

“Kung ako lang, on my own, I won’t be able to survive. So I think, my family, Vicki, interestingly siya ‘yung na-offend ko, siya pa ‘yung ka-help ko doon, and most importantly, people might find this corny, but it’s really God.

“Looking back, now I realize that it’s very true that sometimes God allows you to go through shameful things because that’s actually grace and mercy. Na ‘yun na lang ang papa-experience niya sa ‘yo just to wake you up,” sabi pa ni Hayden.

Samantala, ibinahagi rin ni Vicki kung paano nila nalampasan ang pinakamadilim na bahagi ng buhay ng kanyang asawa pagkatapos pumutok ang video scandal ilang taon na ang nakararaan.

“Dumating tayo from the Pacquiao fight, and then December 9, 10, he tried to kill himself that night. His friends told me about what was going on, kasi I had suspected about one girl because I (had) confronted him.”

Dinenay pa raw ito ni Hayden nu’ng una, “But when I saw the video, it was there already.”

Isang kaibigan daw ang nagsabi kay Hayden na alam na ni Vicki ang lahat, “‘She’s of course breaking up with you, and then we got all your hard drives’. So that same evening already, he decided to kill himself.”

“What people don’t know, is that, for three days, he didn’t wake up. So I was, who else was gonna take care of him ‘di ba? So I was the one,” aniya pa.

“I really prayed so hard. I went to the chapel, I prayed. I was like, ‘Mama Mary, if you just make him normal, I won’t leave him,'” pahayag pa ni Vicki.

At makalipas nga ang tatlong araw na nasa coma, nagising si Hayden at dito na nga niya pinatawad ang doktor, “I was very sure that Hayden was very kind. There was no problem with me.”

Patuloy pa niya, “I know this guy is capable of so much, kaya lang he got the wrong breaks when he was young and he couldn’t control it. I know God will help him get it together but until that time, naga-alalay lang naman ako.”

Para naman kay Hayden, isa-isang naayos ang lahat ng problema at issue niya nang isurender na niya ang kanyang sarili sa Diyos, “You can’t know what love is without understanding, who Christ is. I experienced God’s love through my wife Vicki.”

Ikinasal sina Hayden at Vicki sa isang bonggang-bonggang wedding  sa Paris noong 2017. Biniyayaan sila ng isang napakagandang anak na si Scarlet Snow.

(The Philippine Department of Health has said that every case of suicide is a tragedy that can be avoided. Thus, people who feel that they may be suffering from mental health problems and need help may call Hopeline hotlines)

804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673), or
2919 (toll-free number for Globe and TM subscribers)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending