Young actor na feeling sikat, tinuruan ng leksyon sa pamamagitan ng 'iskandalo'

Young actor na feeling sikat, tinuruan ng leksyon sa pamamagitan ng ‘iskandalo’

Ervin Santiago |February 23,2021
share this

Young actor na feeling sikat, tinuruan ng leksyon sa pamamagitan ng ‘iskandalo’

Ervin Santiago | February 23,2021 - 09:26 AM

KALAT na kalat na ang chika na nalunod na raw sa isang basong tubig ang young actor na unang napanood sa isang sikat na BL o Boy’s Love series.

Noong sumasali pa lang umano sa mga contest sa TV ang young actor ay bait-baitan pa ito at walang kaere-ere. Lahat ay maayos niyang pinakikisamahan at madali rin siyang kausap.

Ngunit ang balita, nu’ng magsimula nang umingay ang kanyang pangalan lalo na sa online world dahil sa iskandalong kinasangkutan noya ay bigla na lang itong nagkaroon ng attitude.

Sabi ng ating source, feel na feel ni young actor na sikat na sikat na raw siya.

Kwento pa sa amin, yumabang na raw ang binata at ayaw nang makipagsabayan sa mga dati niyang kasamahan. Talagang ine-enjoy na niya ang kanyang popularity.

At ang balita pa, mismong ang kanyang manager ay hindi na siya nadisplina. Ganu’n na ba talaga katigas ang kanyang ulo simula nu’ng nakilala ang kanyang pangalan?

Pero ang drama, sa harap daw ng mga fans ay super nice guy pa rin ang peg niya.

Pero alam naman natin na hindi magtatagal sa showbiz ang mga artistang may attitude. Tanong tuloy ng ating source, saan kaya siya pupulutin kapag tuluyan na siyang napariwara dahil hindi pa rin naman  siya ganu’n kagaling umarte.

Ibig sabihin kaya nito ay hindi rin tumagal ang kanyang popularity? Biglang umingay kasi ang kanyang pangalan dahil sa isang iskandalo.

Pero ang leksyon, bigla rin siyang tinapik ng kinasangkutan niyang isyu. Oo nga’t pinasikat siya nito nang panandalian pero ang totoo ay nagturo ito ng leksyon sa kanya na hindi lahat makukuha sa isang araw ng kasikatan.

Ang importante pa rin ay ang ugali at pakikisama sa mga taga-industriya lalo na sa mga taong nakakatulong at sumusuporta sa kanya.

And take note, dapat din sigurong paghusayan niya ang kanyang acting para naman kahit paano ay may marating din siya sa showbiz.

For sure matatauhan din ang young actor na ito at mababawasan ang kayabangan kapag tuluyan na siyang nawalan ng project.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending