Maja na-conscious sa kilikili nang makaharap si Piolo; gustong magpasampal kay Maricel | Bandera

Maja na-conscious sa kilikili nang makaharap si Piolo; gustong magpasampal kay Maricel

Reggee Bonoan |February 21,2021
facebook
share this

Maja na-conscious sa kilikili nang makaharap si Piolo; gustong magpasampal kay Maricel

Reggee Bonoan - February 21, 2021 - 03:19 PM

KAILAN kaya gagawa ng pelikula sina Piolo Pascual at Maja Salvador?

Maganda rin kasi ang chemistry nila base sa napanood naming video na “Recreating Movie Posters” na naka-upload sa “Meet Maja” YouTube channel ng aktres.

Kinailangang gumising ng 5 a.m. ni Maja para puntahan si Piolo sa kanyang resthouse sa Batangas kung saan naglalagi ang aktor.

“Grabe ginawan ko talaga ng paraan dahil mahirap siyang hagilapin at pinuntahan ko talaga siya rito sa Batangas,” sabi ng aktres.

Dagdag pa ng dalaga, “Hindi lang natuloy ang loveteam na ito pero may mga fans na kami PioDor (Piolo at Salvador) at PioMaj (sabay kaway sa kamera). Alam kong tahimik lang kayo pero matatalo natin ang KathNiel but we can’t help it, there’s the perfect chemistry.”

Tawa naman nang tawa si Piolo sa pinagsasabi ng aktres, “Wala po siyang ginawa kundi tumawa ganyan lang siya,” sabi ni Maja.

Halatang kinikilig si Maja kay Papa P kapag hinahagkan nito ang leeg niya base sa gagayahing movie poster pero ramdam mo ring walang malisya ang dalawa. Playful lang talaga ang aktor dahil nadiskubre niyang malakas pala ang kiliti ng aktres sa leeg.

Anyway, conscious na conscious si Maja sa kanyang kilikili nang gayahin nila ni Piolo ang poster ng “Dirty Dancing” nina Patrick Swayze at Jennifer Grey noong 1987.

Habang ginagaya nila ang pose sa poster, “Teka baka kita na ‘yung baskel ko (sabay tingin ni Piolo).  ‘Wag mo nang tingnan hindi pa nag-shave.” Nagkatawanan pareho ang dalawa kaya sabay silang bumitaw.

Sumunod ang poster ng pelikulang “Titanic” nina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet noong 1997 na nakadikit ang mukha ng bidang lalaki sa leeg ng bidang babae.

“Teka may kiliti pa naman ako sa leeg, wait lang (sabay halik ni Piolo sa leeg ng dalaga), Papa P. Wait 7 seconds dali!” sambit ng dalaga.

Hindi sila matuloy-tuloy dahil kiliting-kiliti si Maja at nalimutan na ang mga isasagot sa mga tanong ni Piolo.

Anyway, super fan pala si Maja ni Julia Roberts, “Lahat ng movies niya pinapanood ko, saka ‘yung ano siya (karakter sa Pretty Woman).

Muli nilang ginaya ang “Titanic” pose at naging successful naman, “Guys iba nalang, iba ang neck,” sabi nito.

Ang “The Notebook” (2004) ang sumunod na gagayahin na ikinaloka ng aktres dahil magkaharap ang mga mukha nina Ryan Gosling at Rachel McAdams.

“Uy, huwag kayong ganyan! Penge naman ng gargle (mouthwash),” say ng dalaga habang tawa naman nang tawa si Piolo. “Intense (kuha) dapat basa muna tayo Majs,” saad ng aktor.

“Halika swimming muna tayo,” say naman ng dalaga.

Bago ginawa ay muling inamoy ni Maja ang hininga, “Teka lang, puwede naman.”

Pero halatang hiyang-hiya niyang idinikit ang mukha kay Piolo na sabi ng aktor, “Comedy naman ‘yan.”

“Nakanganga ‘yung babae (Rachel) di ba? Hindi ko manganga nagkape kasi ako so baka ‘yung ano, coffee breath. So baka hindi na matuloy ‘yung mga pelikulang hinahangan kong magawa kay Papa P (tawa lang ng tawa, sabay tingin sa kilikili ni Maja), “Grabe pinagpapawisan na ako.”

In between takes ay natanong ni Maja kung anong paboritong pelikula ni Piolo at nasabi nitong, “Dekada 70 (2002), I tried to back out so many times kasi dinadaga ako roon.”

Pelikulang “Anak” (2000) naman ang gustung-gusto ni Maja, “Kasi nakasama ko si Mommy Vi (Vilma Santos) sa MMK pero feeling ko bitin pa ako ro’n. Saka siyempre lumaki tayo sa mga (kilalang aktres) Diamond Star, Megastar (say ng aktor), Superstar. Lahat ng star gusto nating makatrabaho.”

Tanong ni PJ, “Nakasama mo na si Ms. Mary (o) si Inay Maria?”

“Hindi, dream ko nga rati magpasampal do’n, eh,” say ng aktres

“Nasampal ako no’n grabe, binugbog ako (sa) Mila (2001), masakit mabibingi ka,” kuwento ni Piolo.

Nagawa na raw iyon ni Maja kay Jericho Rosales, “Sa Legal Wife (teleserye noong 2014) sabi niya, ‘tingnan mo ‘yung kamay mo bakat na bakat o, saka hindi kita naririnig ngayon kasi hanggang ngayon may ting (ugong).’”

Sumunod na gagayahin nilang poster ay ang “One More Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo noong 2007 na nakataas ang kanilang mga kamay kaya sabay sina Maja at Piolo na i-check ang kanilang mga kilikili.

Sabay tanong ni Maja, “Nandiyan ako wala?”

“Nandiyan ka, first movie mo ‘yan, di ba?” sagot ni PJ.

At bilang kapalit ng video na ito ay tuturuan ni Piolo si Maja magtanim kaya niyaya na niyang bumaba ito sa kanyang garden.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending