Barbie sa pagmamahal kay Diego: Bigla na lang, parang sobra na yung pake ko sa kanya

Barbie sa pagmamahal kay Diego: Bigla na lang, parang sobra na yung pake ko sa kanya

Ervin Santiago |February 21,2021
share this

Barbie sa pagmamahal kay Diego: Bigla na lang, parang sobra na yung pake ko sa kanya

Ervin Santiago | February 21,2021 - 09:32 AM

NAGSIMULA bilang magkaibigan na nauwi sa seryoso at malalim na pag-iibigan. Ganyan ang naging twist sa love story nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Nagbigay ng ilang detalye sa kanilang mga tagasuporta ang celebrity couple kung paano nag-start ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang vlog na in-upload ng Star Magic recently.

Nitong Jan. 1, 2021 nang ibandera nina Diego at Barbie ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Maraming netizens ang nagulat dahil wala silang kamalay-malay na may namamagitan na pala sa dalawa.

Sa nasabing vlog, ibinahagi nina Diego at Barbie kung paanong nauwi sa next level ang kanilang friendship. Kuwento ng young actress, 2018 nang magkakilala sila ni Diego hanggang sa maging mabuting magkaibigan.

“That time wala kaming something. Friends lang talaga, pero crush ko siya nu’n,” ang diretsong pag-amin ng dalaga.

Hirit naman ni Diego, “Ako yung kumukulit noon kay Barbie. Ako yung nagme-message sa kanya. Then na-realize naming dalawa na na-friendzone kami sa isa’t isa.”

“Naging friends na lang kami,” pag-sang-ayon naman ni Barbie.

Patuloy na kuwento ng hunk actor, “Then nawala ako for a while.” Na ang tinutukoy ay ang pansamantala niyang pagkawala sa showbiz dahil sa ilang personal na problema.

Fast forward sa present time (nang lumuwag-luwag ang lockdown sa ilang bahagi ng bansa): Isang araw at bigla na lang daw nagkakayaan sina Diego at Barbie, kasama ang kanilang mga kaibigan, na mag-swimming sa isang beach resort sa Pangasinan.

“Pinilit niya ako,” ang sabi ni Diego sabay turo kay Barbie. Nagpaliwanag naman ang dalaga at sinabing, “Pinilit ko siya, as a friend. Walang malisya.”

“Pero nagpaalam si Bie sa mommy ko,” sey ni Diego na ang tinutukoy at ang character actress na si Teresa Loyzaga.

“Du’n ko nakita na sincere siyang kaibigan, kasi ipinagpaalam ako sa nanay ko,” pahayag ni Diego patungkol sa dalaga.

At dahil nga sa pagbabakasyon nila sandali sa beach ay mas nakilala nila ang isa’t isa. “Hindi ko alam, bigla na lang, parang sobra na yung pake ko para sa kanya,” ani Barbie.

Naaalala pa nga ng aktres na sinasaway na rin niya that time si Diego dahil napaparami na raw ito ng alak. Hanggang sa magkaroon na nga sila ng heart to heart talk habang nasa dagat.

Sabi ni Barbie, “Kahit magkaibigan pala kami, hindi pala namin alam lahat sa isa’t isa.”

Pagkatapos nito, nasundan pa ang kanilang pagkikita at muling nag-out of town nang silang dalawa lang hanggang sa magkasundo na nga silang i-level up ang kanilang friendship.

Sey pa ni Diego, talagang tinanong pa siya ni Barbie ng, “Tatanungin mo ba ako kung magiging tayo?” na akala mo’y eksena raw sa isang romcom movie.

Hirit ni Barbie, “Tapos sabi niya lang, ‘Ano, tayo na?’ Sabi ko, ‘Oo.’” And the rest as they always say, is history.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending