Alexa Ilacad ayaw munang magkadyowa: Parang 'di ko na kaya mag-alaga ng ibang tao | Bandera

Alexa Ilacad ayaw munang magkadyowa: Parang ‘di ko na kaya mag-alaga ng ibang tao

Ervin Santiago - February 19, 2021 - 10:28 AM

ZERO ang lovelife ngayon ng Kapamilya young actress na si Alexa Ilacad at wala pa raw talaga siyang balak magkadyowa anytime soon.

Feeling kasi ng dalaga, sa dami ng mga ginagawa niya ngayon sa personal na buhay at showbiz career hindi na niya kakayanin ang “mag-alaga” pa ng ibang tao.

Ngunit kahit daw single pa rin siya hanggang ngayon at walang matatawag na dyowa, masaya pa rin ang estado ng kanyang puso dahil sa mga magagandang opportunities na dumarating sa buhay niya.

“I am happy because I am healthy, because of the blessings na ibinigay. I am happy right now more than ever because I gained so many new friends.

“So doon sa pag-shoot namin ng movie parang ‘yon ang pinaka-highlight ng taon ko. I made new friends, a new family,” pahayag ni Alexa sa panayam ng “Magandang Buhay” na ang tinutukoy ay ang pelikulang “Four Sisters Before the Wedding.”

“Wala akong lovelife. Pero sabi ko nga ang dami ko nang pinagsasabay, parang ‘di ko na kaya mag-alaga ng ibang tao. Priorities,” pahayag pa ng aktres na na-link noon sa dati niyang ka-loveteam na si Nash Aguas.

Naging kontrobersyal pa ang paghihiwalay ng kanilang tambalan noong 2019 nang maging magdyowa sina Nash at Mika dela Cruz.

Pag-amin pa ni Alexa, “‘Yung mommy ko nga ‘bakit wala pa?’ ginaganu’n na niya ako. Choice ko naman talaga siya kasi parang stressful masyado.”

Magpo-focus daw muna this year sa kanyang showbiz career at pag-aaral. Kuwento pa ng dalaga, noong kasagsagan ng lockdown, pinagsabay-sabay niya ang trabaho, pag-aaral at paggawa ng musika at bag-enroll din sa isang business course.

Sa darating na Feb. 26, magdiriwang si Alexa ng kanyang 21st birthday at ang kanyang hiling, “Wish ko first of all, sana matapos na ang COVID, ang pandemic. I wish that we could all go back to our old normal lives.

“I also wish the same wish na wini-wish ko every birthday, every Christmas. Ang hinihingi ko is sana lalo na dito sa Philippines ay mabawasan ang cases ng neglected animals, strays.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yon ang lagi kong hinihingi. Kasi feeling ko purpose ko in life is to care for them and to be their voice,” sey pa ng Kapamilya actress at musician.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending