John inakalang may 'attitude' si Pauline Mendoza; posible raw maging 'superstar' ng GMA | Bandera

John inakalang may ‘attitude’ si Pauline Mendoza; posible raw maging ‘superstar’ ng GMA

Ervin Santiago - February 17, 2021 - 02:26 PM

HINDI imposibleng marating din ng Kapuso young actress na si Pauline Mendoza  ang “superstar” status, ayon sa veteran actor na si John Estrada.

Magkasama sina Pauline at John sa bagong Kapuso series na “Babawiin Ko Ang Lahat” kung saan gumaganap silang mag-ama. Ka-join din dito sina Carmina Villarroel, Gio Alvarez, Tanya Gomez at Tanya Garcia-Lapid.

Natanong si John sa isang panayam kung paano niya ilalarawan ang young actress bilang bida sa kanilang serye, “Ako sobra ako na humanga kay Pauline.

“Ang unang-unang quality na nakita ko sa kanya, sobra niyang sipag. ‘Yung pagka-eager niya, she’s hungry, she’s so motivated.

“Alam mo sa mga ibang nakikita kong bata na binibigyan ng chance na para maglbida, ‘yung iba kasi parang may katamaran.

“’Yung iba naman you know wala pa man resulta ‘yung pagbibida nasa utak na nila, but hindi ko nakita kay Pauline ‘yun,” sunud-sunod na papuri niya kay Pauline.

Dugtong pa ni John, “Parati ko nga sinasabi sa kanya, sabi ko, ‘Anak, alam mo specially sa inyo bata pa kayo. Totoo ‘yung talagang kumbaga, e, sasagarin kayo when it comes to taping hours and all that.’

“But, always remember na ito ‘yung biggest break mo. This is do or die, kumbaga for you. Make or break di ba, so tiisin mo lahat ng hirap.

“Kapag nagutushan ka ng mga tao dito, this show can make or break you. And nagutushan ko kay Pauline talagang nakikinig siya, hindi mo siya nakitang umarte,” dagdag pa ng aktor.

Inamin din ni John na nu’ng una, feeling niya ay may attitude ang dalaga, “Well to tell you honestly, noong mga first taping days namin parang sabi ko, ‘Aba, parang may attitude ‘to.’ But, I was wrong, I was completely wrong!

“Noong nag-lock-in taping kami, doon ko nakita ‘yung totoong kulay ni Pauline na she’s really willing to listen and willing siya magtrabaho, willing siya matuto.

“Kung ano sabihin mo sa kanya nakikinig siya, ginagawa niya. Kung mero’n ka ganu’ng qualities sa sarili mo, e, qualities ng isang superstar ‘yun. So, I wish her all the luck and I think Pauline is on the right track,” chika pa ng Kapuso actor.

Sa hiwalay namang panayam kay John, pinuri rin nito ang pag-aalaga sa kanila ng production para sa one-month lock-in taping nila sa “Babawiin Ko Ang Lahat” na kinunan sa Batangas last year.

“May mga post ako noon na sobra ako na saya with this, of course with GMA, most especially with the production of Sir ARP (Anthony Pastorpide), because talagang matagal-tagal na akong arista, it’s a rarity for us actors to really say na very comfortable kami, kung saan kami naka-billet, because dito talaga naramdaman ko na binigyan kami ng importansya.

“Siniguro nila na comfortable kami, kasi nga, well akala nung iba very glamorous ‘yung pag-aartista, but you know, very glamorous nga pero may other side of the coin ‘yun.

“Inalagaan kami maigi, kaya kahit miss na miss namin ‘yung pamilya namin, they really make sure naman na medyo kumportable kami. So, naiibsan ‘yung kalungkutan mo, dahil alam mo maganda ‘yung nakikita mo,” pahayag pa ni John

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Estrada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending