Ika-2 billboard ni Heart bumandera sa New York; 3 bida ng 'Prima Donnas' may pasabog sa ending | Bandera

Ika-2 billboard ni Heart bumandera sa New York; 3 bida ng ‘Prima Donnas’ may pasabog sa ending

Ervin Santiago - February 16, 2021 - 09:28 AM

SA huling linggo ng top-rating GMA Afternoon Prime series na “Prima Donnas,” muling binalikan ng cast na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Elijah Alejo ang ilan sa hindi nila malilimutang karanasan habang ginagawa ang serye.

Sa kanilang virtual grand finale reunion nitong nagdaang weekend, taos-pusong pasasalamat ang ipinahatid ng “Prima Donnas” stars sa kanilang supporters at avid viewers na talaga namang sinubaybayan ang serye mula umpisa hanggang sa huli.

Inalala ng tatlong teen stars ang ilan sa mga memorable experiences nila sa programa na habangbuhay ng nasa kanilang puso’t isipan.

Ayon kay Elijah, “For me, lahat naman po ng experience ko with Prima Donnas is memorable. Lahat po ng kwentuhan, asaran, lessons, testimonies, hinding-hindi ko po makakalimutan lahat.”

Hindi naman makakalimutan ni Jillian ang mga unang araw niya ng taping, “Lahat po! Pero hindi ko makakalimutan ‘yung first taping days ko po, katulad nu’ng nilock po si Mayi sa kulungan ng baboy or ‘yung fruit salad fight namin ni Brianna.”

Ang pagdiriwang naman ng kanyang kaarawan kasama ang mga co-stars sa “Prima Donnas” ang isa sa memorable experiences ni Althea, “Dalawang beses na ako nakapag-celebrate ng birthday ko na kasama ang Prima Donnas family kaya sana next year ulit sila pa rin ang kasama ko.”

Samantala, huwag palampasin ang kapana-panabik at pasabog na pagtatapos ng “Prima Donnas” ngayong darating na Biyernes (Feb. 19) sa GMA 7.

* * *

Bukod sa kaliwa’t kanang birthday greetings na natanggap, mas pinabongga pa ang ika-36  kaarawan ng Kapuso actress na si Heart Evangelista nang ilabas sa Times Square sa New York City ang panibago niyang digital billboard sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Isang malaking sorpresa ito para sa aktres na agad niyang ibinahagi sa mga fans at followers sa isang Instagram post, “What??! What a bday! My second billboard is up on Times Square!!! So grateful!”

Masayang ipinagdiwang ni Heart ang birthday kasama ang asawang si Gov. Chiz Escudero at ilang malalapit na kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, excited na rin ang mga fans sa pagbabalik ni Heart sa TV via the upcoming series “I Left My Heart in Sorsogon” kung saan makakasama niya ang bagong Kapuso leading man na si Richard Yap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending