Julia kay Joshua: I’m sorry, napagod ako. I’m sorry nawala ako...natakot ako | Bandera

Julia kay Joshua: I’m sorry, napagod ako. I’m sorry nawala ako…natakot ako

Reggee Bonoan |February 15,2021
facebook
share this

Julia kay Joshua: I’m sorry, napagod ako. I’m sorry nawala ako…natakot ako

Reggee Bonoan - February 15, 2021 - 11:22 AM

 

 

“I’M sorry. I’m sorry Josh, I’m sorry napagod ako. I’m sorry nawala ako. Natakot ako kasi hindi kita mahanap noon.

“Binigay ko lahat, binigay ko sa yo lahat. Naubos lang ako. I’m sorry nasaktan kita,” ang umiiyak na sabi ni Julia Barretto sa official music video na “Paubaya” ni Moira dela Torre.

In-upload ang video sa YouTube channel nito lang Linggo pero nakakuha na agad ng almost 3 million views (habang isinusulat namin ang balitang ito).

Umiiyak namang sagot ni Joshua Garcia, “Sorry, sorry kung wala ako nu’ng mga panahong kailangan mo ako. Sorry kung wala ako nu’ng kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan.”

Umiiyak si Julia habang nagpapaliwanag sa kanya si Josh na pakiramdam namin ay ito ang naging pag-uusap nila noong pormal na silang maghiwalay.

Sa pagpapatuloy ng aktor, “Natakot ako, sobra. Pero gusto ko, nandu’n ako. Gusto ko, nandu’n ako nu’ng nasasaktan ka. Pero wala. Siguro, dahil alam ko na rin na, na hindi talaga tayo para sa isa’t isa.”

Tugon ni Julia, “Sinubukan naman natin, di ba? Nilaban naman natin, di ba?”

“Yeah. We tried, gusto kong mag-thank you sa ‘yo sa lahat ng memories na binigay mo sa akin.  Hindi man nating nagawa ‘yung mga pangarap natin, masaya na ako sa mga pinagsamahan natin.  Masaya ako na masaya ka,” sabi ng aktor sa aktres.

May ibig sabihin si Josh sa sinabi niyang “masaya ako na masaya ka” na alam na niya na may iba na si Julia. Kailan kaya kinunan ang music video na ito ni Moira?

Sabi naman ni Julia, “Gusto ko maging masaya ka rin. Thank you.”

Ilang beses silang nagpasalamat sa isa’t isa at inabot ni Josh ang mga kamay at lumapit si Julia at hinawakan siya sa leeg at sinabing, “Gusto kong malaman mo na pinapatawad na kita.”

Sumagot din si Julia, “Pinapatawad din kita.” At sabay inilapit ng dalaga ang mukha sa dibdib ng binata at sabay hagulgol, gayun din si Josh.

Itinaas ni Josh ang mukha ni Julia at sabay halik sa kanang pisngi nito, “Kailangan ko. Take care of yourself (sabay halik sa noo).”

Habang paalis na si Joshua sa altar kung saan dapat sila ikakasal ni Julia ay saka naman tumugtog ang, “Ako ‘yung nauna, pero siya ang wakas.”

At nagbitaw na ang mga kamay nina Josh at Juls at naglakad palabas ng simbahan ang una at sinundan siya ng tingin ng huli.

Dalawa ang naisip namin sa ending ng music video dahil ang huling lyrics ni Moira, “Ipinapaubaya ko na sa kanya” habang nakaturo at nakatingin sa itaas ang singer na parang ipinahihiwatig na papasok sa kumbento si Julia? Habang naiwan ang dalaga sa harap ng altar.

O sinadyang ganito ang ending ng music video para pag-isipin nina Moira at asawang si Jason Hernandez kasama ang direktor nilang si Niq Ablao na sumulat ng script, ang publiko kung may kapalit na ba talaga si Josh sa puso ni Julia.

Wala naman din kasing sinabi kung kailan sinyut ang music video, kung bago o pagkatapos umamin ni Julia na “taken” na siya.

Anyway, ang ganda ng opening ng music video dahil ikinakasal ang JoshLia at ang saya ng aktor, pero tila hindi mapakali ang aktres kaya nang tanungin siya kung tinatanggap niyang maging asawa ay tumakbo siya palayo.

Naalala namin ang matandang kasabihan na kapag ang magkarelasyon ay may kuhang nakadamit pangkasal o may eksena sa pelikula o soap drama ay magkakahiwalay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nangyari na ito kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na ilang beses ikinasal sa mga pelikula nila, at kina Rustom Padilla at Carmina Villaroel sa pelikulang “Hindi Magbabago” (1994) na nauwi rin sa hiwalayan.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending