Ivana tinalakan, dinuru-duro ng sikat na TV host; ipinahiya sa harap ng mga kapwa artista | Bandera

Ivana tinalakan, dinuru-duro ng sikat na TV host; ipinahiya sa harap ng mga kapwa artista

Ervin Santiago |February 11,2021
facebook
share this

Ivana tinalakan, dinuru-duro ng sikat na TV host; ipinahiya sa harap ng mga kapwa artista

Ervin Santiago - February 11, 2021 - 02:40 PM

SINUGOD, dinuru-duro, sinigawan at hiniya sa harap mismo ng mga kapwa niya artista si Ivana Alawi ng isang kilalang TV host.

Ikinuwento ng sexy actress-vlogger sa bago niyang vlog ang ginawang panghihiya at pang-aaway sa kanya ng sikat na TV host na talagang iniyakan niya nang bonggang-bongga.

Sumabak si Ivana sa “Sagot O Lagot” challenge kung saan may mga itatanong sa kanya sa game. Pwede niya itong sagutin pero kung ayaw niya kailangang pumili siya sa mga “exotic food” na nasa kanyang harapan bilang parusa.

Isa nga sa nga question sa kanya ay kung may nakaaway na ba siyang artista, “Wala akong nakaaway. May nang-away sa akin. Lagi ko siyang pinapanood nu’ng bata ako, kaya idol na idol ko siya noon.

“Pero ako, never akong nakipag-away sa kahit sinong artista, kasi kailangan mong rumespeto at kailangan mong makisama sa showbiz world,” simulang kuwento ng dalaga.

Naganap raw ang nakakalokang eksena noong nagpo-promote sila para sa Kapamilya series na “Sino ang May Sala: Mea Culpa” na ipinalabas noong April, 2019.

Nakasama niya rito sina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Tony Labrusca, at Kit Thompson.

Pagpapatuloy ni Ivana, “Nag-start kasi ako noon sa ABS, nagti-taping-taping. Nandu’n ako sa ‘Sino ang May Sala’, tapos nagkaroon ako ng parang guesting, doon yun sa may ABS.

“Nagti-taping, tapos nakaupo lang ako sa dressing room. Marami kami doon, kasi parang sama-sama kami sa dressing room na ‘yon.

“So, yung kasama kong PA (personal assistant) lumabas siya, kasi hindi na siya kasya dun sa dressing room namin. And kailangan lagi siyang malapit sa akin kasi, siyempre, kapag may kailangan ako, kapag magbibihis, yung mga ganu’n.

“Lumabas siya, tapos may nakita siyang upuan doon sa labas. Nagpaalam naman siya dun sa tao sa loob. Sabi niya, ‘Pwede bang makiupo lang?’ Para nga malapit pa rin siya sa akin. As in tapat lang kasi siya.

“So, sabi nu’ng tao, ‘Oo naman. Sige, upo ka.’ So, umupo lang siya du’n. Hindi pa kami nagsisimula nito, so nag-antay lang ako doon. Nakaupo ako du’n,” tuluy-tuloy na chika ng dalaga.

At naloka na lang si Ivana sa sumunod na eksena, “Biglang may sumugod na batikang host and then sumugod siya.” Kilala raw niya ang TV host dahil nga bata pa lang ay idolo na niya ito.

“Nu’ng nakita ko, parang napangiti ako. Tapos parang pinagsisigawan niya ako du’n sa dressing room, sa harap ng ibang artista. Parang sabi ko, ‘Hala!’”

Minuwestra pa niya ang ginawa sa kanya ng TV host saka dumuro sa harap ng camera, “Sabi niya, ‘You, why are you… your person is in my room, ha! Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos!’ Ang dami niyang sinabi.

“‘Tapos parang naaalala ko yung reaction ko noon, ‘Sorry po, sorry po.’ As in sorry ako nang sorry. Tapos sobrang naano kasi parang sa harap ng ibang artists. Sobrang pinapahiya ako, as in.

“Ako yung inaway and then, hiyang-hiya ako noon. Umiyak ako, ‘tapos tumawag ako kay Mama. Tapos sabi niya, ‘Okay lang ‘yan. Hayaan mo na,’” pag-alala pa niya.

“Kasi wala naman talaga akong ginawang mali, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako yung pinuntahan doon at pinagsisigawan sa harap ng ibang artista.

“Pero siyempre, you still have to show respect and you still have to be professional. Sana ano na lang, kinausap na lang niya ako na, ‘Uy, Ivana, alam kong bago ka sa ganito. Pero bawal ‘yang ganyan.’

“Mas maa-appreciate ko yun, di ba? Hindi naman ako mahirap kausap. Pwede mo naman akong tawagin or tapos sigawan mo ako, yung tayong dalawa lang.

“Pero sa harap ng maraming tao, na wala naman akong ginawang masama, yun lang yung talaga yung di ko malimutan, yung isa sa mga experiences ko starting off in showbiz,” ang lahad pa ng sikat na YouTuber.

Pero aniya sa huli, “Wala na akong hard feelings, naka-move on na ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang binanggit na pangalan si Ivana sa kanyang vlog pero nagsisimula raw sa letter “M” ang name ng TV host. May hula na ba kayo kung sino ang tinutukoy na Kapamilya TV host ni Ivana?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending