Janine, Rayver walang pakialaman sa trabaho; hindi rin uso sa kanila ang selosan | Bandera

Janine, Rayver walang pakialaman sa trabaho; hindi rin uso sa kanila ang selosan

Reggee Bonoan |February 08,2021
facebook
share this

Janine, Rayver walang pakialaman sa trabaho; hindi rin uso sa kanila ang selosan

Reggee Bonoan - February 08, 2021 - 06:36 PM

MUKHANG wala ngang advance Valentine’s date na magaganap sa magkasintahang Rayver Cruz at Janine Gutierrez.

Abala na kasi ngayon ang dalaga para sa kaliwa’t kanang promo ng pelikula nila ni JC Santos na “Dito at Doon.”

Napag-alaman namin na sa Peb. 14 naman ang alis ni Rayver para sa isang buwang lock-in taping nila sa teleseryeng “Nagbabagang Luha” ng GMA 7.

Ito ang TV version ng pelikula noon nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson at Ormoc City Mayor Richard Gomez na idinirek ni Ishmael Bernal for Regal Films noong 1988.

At pagkalipas nga ng 33 years ay gagawin itong teleserye na ididirek naman ni Ricky Davao kung saan makakasama ni Rayver sina Glaiza de Castro, Mike Tan at Gina Pareño.

Tsika ng kaibigan naming dikit kina Janine at Rayver, “Ilang araw na lang Valentine’s Day na. Malabo ang date nu’ng dalawa kasi si Rayver, naghahanda na ng mga kailangan niya para sa 30-day lock in shoot.

“Tapos si Janine naman halos walang bakanteng araw dahil sa mga commitments niya. Pero malay natin baka mag-dinner sila kahit dalawang oras lang,” sabi sa amin.

Ang isa pang maganda sa relasyon nina Rayver at Janine, “Hindi uso sa kanila ang selos, puro trabaho lang. Basta lagi lang silang nagtatawagan kapag libre o kaya video calls. Kumustahan kung anong ganap nila sa araw na ‘yun.”

Inalam namin kung bakit sobrang tagal ng lock in taping ng GMA sa ginagawa nilang teleserye, “Ganyan talaga sa GMA, sinusulit nila lahat ang oras, saka baka nagtitipid din para sa swab testing,” sabi sa amin.

Sabi namin, hindi pala sila katulad sa ABS-CBN na every 10 days or 12 days ay uwian na at pagkalipas ng 15 days ay puwede na ulit bumalik na tinatawag nilang cycle 2.

Mabuti na lang at nakapag-advanced taping na si Rayver ng “All Out Sundays” kaya kahit nasa lock in taping siya ay hindi siya absent sa Sunday musical variety show ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending