Catriona ibinandera ang mga katangiang nagustuhan kay Sam | Bandera

Catriona ibinandera ang mga katangiang nagustuhan kay Sam

Reggee Bonoan |February 07,2021
facebook
share this

Catriona ibinandera ang mga katangiang nagustuhan kay Sam

Reggee Bonoan - February 07, 2021 - 04:31 PM

ALAM na ng mga tagasuporta nina Sam Milby at 2018 Miss Universe Catriona Gray na magkasama silang nag-celebrate ng Christmas at Bagong Taon sa Ohio, USA kasama ang pamilya ng aktor.

Pero pormal pa ring inamin ng dalaga ang tungkol dito sa panayam sa kanya kamakailan ng programang “Sakto” sa Teleradyo.

“I had the opportunity to spend Christmas sa US kasama ng boyfriend ko as family which was really nice.

“It was my first time to spend Christmas away from my family, so it was nice to feel that I was with my family pa rin,” sabi ni Catriona.

Sa Amerika rin nagdiwang ng kanyang kaarawan si Catriona kung saan nag-stay sila ni Sam sa isang cabin house na ang binata mismo ang nagluto ng kinain nilang pizza pati na ang vegetable salad with fruits.

Pinuri rin ng dalaga ang boyfriend niya dahil kahit abala ito sa trabaho ay talagang gumagawa pa rin ng paraan para magkita’t magkasama sila at makapag-bonding together.

“He’s a very good listener, I really appreciate that. And he really goes out of his way to make time for me because we are both busy naman.

“So I really appreciate the small things talaga that he really shows that he’s thinking of me and he makes time for me,” pahayag pa ni Catriona.

Kilala at close na rin si Samuel sa pamilya ng girlfriend niya na kasalukuyang nasa Australia.

“He has a great relationship with my parents which is really fulfilling thing for me rin. When I usually call them when we were sa States, we will all talk together.

“So it’s really nice to see them have that friendship already with my parents because that means a lot to me and I know that Sam knows that.

“So it’s just nice to see him make the effort,” she shared,” masayang kuwento ng dalaga.

At kapag okay nang bumiyahe patungong Australia ay gustong isama roon ni Cat ang kanyang kasintahan para ang aktor naman ang maipakilala niya sa kanyang mga kapamilya roon.

“Hopefully naman I am able to go on a trip and and hopefully bring Sam to see my family, next time sana,” pahayag ng dalaga.

Dumating na sa bansa sina Sam at Cat at abala na ulit ang huli sa kanyang mga photo shoot habang ang aktor naman ay balik-trabaho na rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa lock-in taping uli si Sam para sa teleserye nilang “Ang Iyo Ay Sa Akin” kasama sina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado handog ng Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending