Bea, Enchong magkasundo pagdating sa lafangan: Yes, rice is life! | Bandera

Bea, Enchong magkasundo pagdating sa lafangan: Yes, rice is life!

Reggee Bonoan |January 31,2021
facebook
share this

Bea, Enchong magkasundo pagdating sa lafangan: Yes, rice is life!

Reggee Bonoan - January 31, 2021 - 03:37 PM

MAHIGIT isang dekada na ang pagkakaibigan nina Enchong Dee at Bea Alonzo kaya naisip nilang “mag-friendship test” para malaman kung gaano talaga nila kakilala ang isa’t isa.

Marami na kaming napanood na vlogs ng dalawa o kaya ng ibang kaibigan nila at iisa ang napansin namin, generous friend si Bea dahil mamahalin talaga kung magbigay siya ng regalo.

Tulad ng pangako ng aktres kay Enchong na bibigyan niya ng painting kapag nakalipat na ito sa bahay niya na ayon naman sa aktor ay kasama pa niya ang dalaga noong namimili siya ng unit.

Ipinakita naman sa house tour ni Bea kamakailan na mahilig siya sa paintings at pawang mamahalin kaya ang suwerte ng mga nagiging kaibigan niya dahil bongga magregalo ang dalaga.

Going back sa vlog ni Enchong sa kanyang YouTube channel ay pareho pala nilang comfort food ang kanin kahit nasa ibang bansa sila tulad sa Europe na naghahanap sila ng Chinese restaurant dahil sigurado silang may kanin. Sabi nga ni Bea, “Rice is life.”

Nagkakilala ang dalawa sa Asian Cruise kung saan nag-shoot sina Bea at ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo ng “Maalaala Mo Kaya” at si Enchong naman ay hindi pa artista noon.

Ang tanong ay kung ano ang first impression nila sa isa’t isa.

“Hindi ka pa artista (sabi kay Enchong). Sumayaw pa siya sa stage sa club ng Asian cruise, nakakahiya tapos naging friends na kami to the tune of ‘Larger Than Life’ (Backstreet Boys). Habang nagliliwaliw sila, nagtatrabaho kami ni Zanjoe, but that was so much fun,” balik tanaw ng aktres.

Ang first impression ng aktres sa aktor ay “cool” at “successful/rich” naman ang tingin ng binata sa dalaga.

Ang paliwanag ni Enchong dito, “Kasi wala pa naman akong savings, wala pa naman akong kita, nakita ko how you carry yourself, hindi naman pa-madam kundi ‘yung finess, classiness, and even the way you dress-up. It doesn’t have to be ‘labels’. You can be simple but elegant.”

Aliw na aliw naman ang nanay ni Bea kay Enchong noon at sinabihan siyang, “Uy mag artista ka.”

“Look at me now,” birong sabi naman ng aktor.

Ang sunod na tanong, “sign that I’m in love (Bea).” Sagot ni Bea, “Nagpapaganda.”

Sabi naman ni Enchong, “Nagiging siya ‘yung boyfriend niya.”

Sinang-ayunan ito ng aktres kaya naka-relate siya sa pelikulang “My Best Friend’s Wedding” dahil para mapalapit siya sa crush niya (magiging asawa ng kaibigan niya), “Maybe I’m a sponge kasi gusto kong i-penetrate ‘yung world that he’s in so that I can communicate with him more.”

Pambubuking naman ni Enchong, “Kaya pala all of a sudden naging golfer ka?”

Sabay nagkatawanan ang magkaibigan, si Zanjoe kasi ay mahilig maglaro ng golf kaya sinasamahan siya ni Bea.

Ang paliwanag ng dalaga, “In my defense kaya ako naging golfer noon kasi ‘yung golf na sport, buong araw ‘yan. So, for me kaysa papiliin ko siya, golf o ako, maggo-golf na rin ako para he will get the best of both world, me and golf.”

Sa vlog na ito namin nalaman na idolo pala ni Bea si Judy Ann Santos na talagang nagpa-picture pa siya sa aktres  with matching kilig. At alam ito ni Enchong.

Sabi ng aktor, “Kasi nu’ng ABS-CBN Ball, nakakatawa ‘to (Bea) kinikilig siya! Nagpa-picture siya tapos kunwari nakiki-party (umiindak).”

Hirit ni Bea, “Oo kasi para marami kaming picture (ni Juday).  ‘Yun ang pinakapaborito kong Ball.”

Marami pang tanong tungkol sa “friendship test” ng dalawa na umabot sa mahigit 20 ang question pero 12 lang ang nakuha nilang score.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending