Juancho Trivino nakagawa ng 3 teleserye habang nag-aaral; umabot ng 12 years bago naka-graduate | Bandera

Juancho Trivino nakagawa ng 3 teleserye habang nag-aaral; umabot ng 12 years bago naka-graduate

Ervin Santiago - January 31, 2021 - 11:39 AM

GAME na game na uli ang Kapuso actor-TV host na si Juancho Trivino na tumanggap ng mga proyekto ngayong 2021.

Libreng-libre na ang kanyang schedule sa acting projects dahil naka-graduate na siya sa college. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa De La Salle University.

Ngunit aminado ang asawa ni Joyce Pring na matinding hirap at sakripisyo rin ang pinagdaanan niya bago makamit ang college diploma, lalo na noong pagsabayin na niya ang pag-aaral at showbiz.

Ngunit dahil sa pagtitiyaga, disiplina at suporta ng mga mahal niya sa buhay, napagtagumpayan niya ang isa sa masasabing greatest achievement niya sa buhay.

“Nakatatlong teleserye ako habang nag-aaral ako. Medyo matinding pakiusapan siya sa production team para maka-attend ako ng mga klase ko,” kuwento ng aktor sa panayam ng GMA.

Patuloy pa niyang kuwento, “Nakausap ko rin ‘yung production staff ng ‘Unang Hirit’ for a long time na kailangan kong hindi muna ako masyadong malayo or kung aabot man ako sa La Salle ng 11 a.m. that would be a big day kaya nagpapa-excuse rin ako nang maaga.”

Umabot ng 12 taon bago nakatapos  si Juancho, “I started college 2009, as you can see iba pa itsura ko, not only that may malaking box pa yung mga monitor ng mga computer (just goes to show) and I stopped mid way to pursue my acting career.”

Sa kanyang Instagram page, naikuwento ng Kapuso star ang ilan sa mga naranasan niyang hirap, “Finally! I graduated!! Allow me to share my story. Swipe right for the pics I will be talking about (makikita ang kanyang throwback photos noong nag-aaral pa).

“A couple of years after I decided to go back, to, against all odds finish my degree in DLSU as a cross enrollee from DLSU-STC, other than the fact that I realized that life is not one dimensional, i wanted to finish what my parents worked so hard for me to go through, to put me in a good school and to provide for us.

“I became a working student going to class with no sleep and drinking vendo coffee to keep me awake and Balance my sheets (accounting reference). Nagkakaroon din ng mga pagkakataon na galing Pangasinan dederecho ako sa school galing Unang Hirit, at kung late na late na, nag aangkas ako.

“After 12 years, natapos din, kahit via zoom lang ang graduation ko after all those years of waiting – Gusto kong i-alay to sa Diyos at sa magulang ko @pattytrivino and @acaciadad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And I also want to encourage others, there’s always rainbow after the rain. It might not be the ideal time for me but God has his perfect time for us. On to the next challenge!” pahayag pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending