Regine labs pa rin ang ABS-CBN: Hindi ako aalis, nandito lang ako para sa kanila | Bandera

Regine labs pa rin ang ABS-CBN: Hindi ako aalis, nandito lang ako para sa kanila

Ervin Santiago - January 28, 2021 - 10:32 AM

NANGAKO si Regine Velasquez na hindi niya iiwan ang ABS-CBN kahit masasabing wala pa ring kasiguruhan ang kinabukasan dahil sa pandemya at sa mga pagsubok na kinakaharap ng Kapamilya Network.

Ayon sa nag-iisang Asia’s Songbird, never sumagi sa isip niya ang iwan ang kanyang mother station kahit na may takot kung ano nga ba ang pwedeng mangyayari sa kanyang career.

Sa nakaraang virtual presscon para sa Valentine digital concert ni Regine na “Freedom” to be streamed live on KTX.ph, natanong ang wifey ni Ogie Alcasid kung ano ang proudest moment niya bilang Kapamilya, makalipas ang halos tatlong taon mula nang magbalik siya sa ABS-CBN.

“That I’m still here, that despite what happened, ni hindi sumagi sa isip ko na iwan sila,” simulang tugon ni Regine.

“Sa akin, tinanggap nila ako with open arms, nang lubos-lubos, tapos kung kailan nila ako kailangan, hindi ako mag-i-stay? Parang weird iyon sa akin,” dagdag pa niya.

Paniniguro pa ng bagong OPM Queen na 35 years nang nagpapasaya at nagsisilbing inspirasyon sa mga Pinoy, “I’m happy to be here, despite what’s going on, despite the franchise not being granted.

“Nandito ako for them. I wanted to prove to them that I’m here, and I’m not leaving. I’m not going anywhere. And I am happy to be here,” dagdag pa ng Songbird.

Dito nga inamin ni Regine na nagkaroon din siya ng anxiety attacks noong ipasara ang ABS-CBN at dumagdag pa ang coronavirus pandemic.

“I was a little scared of what’s going to happen, kasi siyempre, meron kaming mga responsibilities, may anak kami. I was worried for a time,” pahayag ng singer-actress.

Napakalaki raw ng naitulong ng kanyang mister na si Ogie para mawala ang takot at pangamba niya at dahil sa mga hinarap na pagsubok nitong nagdaang taon, mas tumibay pa raw ang kanilang pananampalataya sa Diyos.

Aniya, itinataas na lang nila ng asawa ang lahat-lahat sa Diyos, “True enough, He just kept blessing us and blessing us. This thing that happened to ABS-CBN, nakakalungkot, but at the same time, I don’t know, pero excited ako.”

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Regine sa pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at TV5 kamakailan. Last Sunday, napanood na rin sa Kapatid network ang “ASAP Natin ‘To” kung saan isa si Regine sa mga regular performers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakatuwa to be able to witness it, and to be able to be part of it. Nakaka proud lang,” chika pa ng Songbird na excited na sa iba pang pasabog na mangyayari sa nabuong partnership between ng dalawang network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending