Charlie tinawag na 'fairy god ate' si Iza; Inigo bubuhayin ang classic song ng Air Supply | Bandera

Charlie tinawag na ‘fairy god ate’ si Iza; Inigo bubuhayin ang classic song ng Air Supply

Ervin Santiago - January 27, 2021 - 10:16 AM
TODO ang pasasalamat ng 2020 Metro Manila Film Festival best actress na si Charlie Dizon kay Iza Calzado na tinawag niyang “fairy god ate.”

Malaki ang utang na loob ng dalaga kay Iza dahil ang award-winning actress ang naging daan para sa kanya mapunta ang MMFF entry na “Fan Girl” kasama si Paulo Avelino kung saan nga siya nakakuha ng unang acting award.

Unang nagkasama sa pelikulang “Pandango sa Hukay” (entry sa Cinemalaya) ang dalawa at doon na nga nagsimula ang kanilang friendship.

Naikuwento ni Charlie sa isang episode ng “Magandang Buhay” na si Iza ang nagrekomenda sa kanya para sa “Fan Girl”.

“Nag-back out po ang first choice, so kailangan nilang magmadali kasi in two days magshu-shoot na sila. Sakto kausap ni Ms. Iza ang producer.

“Sinabi ni Ms. Iza na i-try niyo si Charlie na mag-audition. Minessage po nila ako 11:30 ng gabi sa Instagram pa. Buti nakita ko po,” simulang pahayag ng aktres.

“Wala akong idea about ‘Fan Girl,’ pinuntahan ko lang po talaga kasi wala rin po akong work. Tapos nakita ko na si direk Tonet (Antoinette Jadaone) ang direktor at si Paulo ang kasama.

“Pero wala akong idea kung ano ang role ko, kung ano ang gagawin. Tapos after nung audition sinabi nila na ‘ikaw na.’ Tapos sinabi nila na actually si Iza ang nag-refer sa iyo. Nag-message po ako sa kanya, ‘Ms. Iza, nakuha ko po yung role, thank you,'” chika pa ni Charlie.

Mensahe niya kay Iza, “Ms. Iza, thank you so much po. Sobrang na-appreciate ko po ang lahat ng tulong niyo at kind words na sinasabi niyo.

“Lagi kong sinasabi sa kanya na forever akong magiging grateful sa kanya na parang nakahanap ako ng… lagi kong sinasabi na fairy god ate ako siya, parang nakahanap po ako ng ate rito na magga-guide talaga. Kaya thank you Ms. Iza, I love you,” aniya pa.

                            * * *

Nakatakdang ilabas ni Inigo Pascual sa Feb. 5 (Biyernes) ang inaabangang rendisyon niya ng “All Out Of Love,” ang 1980 worldwide hit mula sa Air Supply na isa sa karaoke favorites ng mga Pinoy.

Hatid ni Inigo ang emosyong nararamdaman ng iniwan ng minamahal sa bagong pop version ng kanta na may tunog trap ballad hatid ng music producer na si Moophs gamit ang gitara.

Ang nasabing awitin ang una sa series ng Air Supply remake na nakatakdang gawin ng ABS-CBN Music sa ilalim ng Tarsier Records ngayong 2021. Alinsunod din ito sa inaabangang Valentine’s Day US campaign ng Air Supply.

Unang inawit ng British-Australian soft rock duo na Air Supply ang “All Out Of Love” at isinulat ito nina Graham Russell at Clive Davis. Inabot ng kanta ang no. 2 sa Hot 100 ng Amerika, naging no. 11 din sa Top 40 ng UK, at kinilala bilang “100 Greatest Love Songs” sa 2003 list ng VH1.

Ang “All Out Of Love” na nga ang latest collaboration nina Inigo at Moophs, na kamakailan lamang ay naglabas ng dancehall-pop tune na “Always,” na naging bahagi ng “The 100 Best Songs of 2020” ng Apple Music.

Kabilang din ang dalawa sa awiting “RISE” tampok ang international artists na sina Eric Bellinger (USA), Sam Concepcion (PH), Zee Avi (Malaysia), at Vince Nantes (USA).

Sila rin ang nasa likod ng awiting “Catching Feelings,” na mayroon nang higit sa 10 million streams sa Spotify at 100K dance challenge entries sa iba’t ibang social media platforms.

Patuloy si Inigo sa pagtataguyod ng kanyang musika sa global stage lalo na’t inaabangan ang ilalabas niyang “Options” album ngayong 2021 na nagtatampok sa mga kolaborasyon niya kasama ang iba’t ibang international artists.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Muling ma-inlove sa Air Supply classic na “All Out Of Love” sa reimagined version nito hatid nina Inigo at Moophs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending