Rhap Salazar ikinasal na sa non-showbiz dyowa? | Bandera

Rhap Salazar ikinasal na sa non-showbiz dyowa?

Reggee Bonoan - January 22, 2021 - 01:03 PM

HINDI malinaw sa amin kung ikinasal na nga ang 2004 grand winner ng reality talent search na  “Little Big Star” na si Rhap Salazar at ang kanyang boyfriend.

Wala kasing ipinakitang mga larawan na kuha sa wedding ceremony nila sa Instagram.

Nag-post lang ngayong araw ang mang-aawit ng litratong pareho silang naghahati ng cake kung saan makikita sa kanilang mga ngiti nila ang sobrang kaligayahan.

Ang caption ni Rhap sa kanyang IG post, “Cheers to more sweet memories with you (cake emoji).”

Pero base naman sa mga nabasa naming komento mula sa mga kaibigan ni Rhap at ng boyfriend niya, lahat ay bumati ng, “congratulations”, “so happy for you” at “best wishes”.

Kung dito namin ibabase ay mukhang ikinasal na nga ang dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin binabanggit ni Rhap ang pangalan ng guy.

Matatandaang noong Peb. 14, 2020 ay nag-post si Rhap ng larawan nila ng boyfriend na parehong nakatalikod habang nakatingin sa Tamaraw Falls na matatagpuan sa Oriental Mindoro. May caption itong, “Today, let us celebrate LOVE.”

Kasunod nito ay ipinakita na niya sa publiko ang itsura kasintahan sa isang litrato na pareho silang nakaupo sa isang bench.

“All people should be treated equally, regardless of who they are and who they love. Life gets better together. Happy Pride!” ang caption ni Rhap.

Dito na nagsimulang mag-post si Rhap ng maraming larawan nila ng boyfriend sa lahat ng ganap sa buhay nila.

Curious kami kung ang lalaking kasama ni Rhap sa larawang ipinost niya noong Setyembre, 2019 ay siya ring lalaki na pormal niyang ipinakilala sa social media noong Pebrero, 2020.

Ang nasabing larawan ay kuha sa labas ng airport habang paalis ang lalaki kaya ang caption ni Rhap dito ay, “No goodbyes, just see you soon! Bon voyage, la joue.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, kung kasal na nga sina Rhap at ang boyfriend niya ay binabati rin namin sila ng congratulations at best wishes!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending