KIM mahilig tumulong sa mahihirap, may plano bang tumakbo sa 2016 ELECTION? | Bandera

KIM mahilig tumulong sa mahihirap, may plano bang tumakbo sa 2016 ELECTION?

Reggee Bonoan - August 29, 2013 - 03:00 AM


Natanong si Kim Chiu sa solo presscon niya para sa Wansapanataym kung ano ang masasabi niya sa pinag-uusapang pork barrel scam at kung apektado siya rito since isa siya sa nagbabayad ng malaking tax.

“Sobrang apektato kasi ibang klase naman ‘yung binabayad naming tax at hindi namin alam kung saan napupunta. And sana clean government.  At ‘yung million people march, isa lang ‘yun sa mga dahilan na ipinapakita ng mga Pinoy na hustisya naman para sa amin.
“Kahit wala ako sa people million march, suportado ko ‘yun at ramdam ko ‘yung galit ng mga Pinoy, ‘yung iba naiiyak pa sa galit kasi hindi biro ang pera, pinaghirapan mo ‘yun.

And then mapupunta lang sa mga taong hindi karapat-dapat,” diretsong sabi ng dalaga. Galit ka ba kay Janet Lim Napoles? “Ha-hahaha! Oo naman, lahat naman siguro ng tao galit, di ba, itong si Napoles nga papatayin na (pag nakita raw),” tumatawang sabi ng dalaga.

Mag-aartista yata si Jean Napoles at paano kung magkatrabaho sila? “Wala na po akong comment kay Jean.  Okay lang po akong mag-isa,” malamang sabi ng aktres.

Samantala, hindi kailangan ni Kim ng pork barrel para tumulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Maring at Habagat kaya naman natanong ang dalaga kung may plano siyang pasukin ang pulitiko pagdating ng araw, “Ay hindi po, hindi ko kaya, wala akong enough knowledge to handle the Sambayanang Pilipino, ang gusto ko lang tumulong, on my own little way, ‘yun lang.”

At para sa mga hindi nakakaalam ay parating tumutulong si Kim sa tuwing may nasasalanta ng bagyo at ngayon lang na-Instagram kaya akala ay publicity ang habol niya na sa tingin namin ay hindi naman kailangan na.

“Everytime naman po na may typhoon or flood ay tumutulong po ako sa mga tao kasi sila rin po ‘yung mga taong sumusuporta sa akin kaya talagang tumutulong po ako,” kuwento ni Kim.

Mensahe ng aktres sa mga nagba-bash sa mga artistang tumutulong? “Sila ‘yung mga taong walang magawa sa buhay na walang ginawa kundi matulog lang, kumain at bash nang bash kasi bored sila sa buhay nila.

Siguro walang TV sa kanila nu’ng araw na ‘yun kaya bash lang sila nang bash kaya tumulong na lang sila kaysa magsalita sila ng magsalita,” diretsong sabi ng dalaga.

“Ang sarap ng pakiramdam kapag nakakatulong ka sa mga kababayan mo kaysa humiga ka lang sa bahay mo, manood ka ng TV, kakain ka lang, gawaing baboy ‘yun, kain tulog lang.

Siyempre nakakakonsensiya rin, may per aka naman para tumulong bakit hindi mo magawa,” katwiran ni Kim. Samantala, isang buwang mapapanood si Kim sa Wansapanataym Present My Fairy Kasambahay mula sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Kasama sina Angel Aquino, John Lapus, Shamaine Buencamino, Miguel Vergara, Arnold Reyes at Simon Ibarra mula sa direksiyon ni Jerry Sineneng.

Gaganap si Kim dito bilang si Elyza, ang pasaway na dalagang bibigyan ng leksyon dahil walang galang sa mga kasambahay. Ayon sa dalaga ay maski na kasambahay ay dapat nire-respeto dahil sila ang araw-araw na nakakasama sa bahay at tumutulong sa lahat ng pangangailangan at ituring na miyembro ng pamilya, na tama rin naman.

Natanong ang aktres kung may mga wishes pa siyang hindi natutupad since naniniwala naman siya sa fairy godmother o tinawag niyang guardian angel.

“So far po natupad naman lahat ng malalaking wishes ko at kung anuman ang nangyayari sa buhay ko ngayon, sana tuluy-tuloy lang itong nangyayari sa akin, suportahan ako ng mga tao, maging masaya lang at kapag may problema, malalagpasan ko.

‘Yun naman ‘yung importante. “‘Yung mga hindi pa natutupad (mga wish), Diyos na lang po ang bahala roon,” ang pahayag pa ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending