Toni pinaiyak ni Olivia Lamasan; may ibinuking tungkol sa talent fee | Bandera

Toni pinaiyak ni Olivia Lamasan; may ibinuking tungkol sa talent fee

Ervin Santiago - January 18, 2021 - 10:10 AM

NAPAIYAK si Toni Gonzaga sa pa-birthday surprise ng kanyang “I Feel U” family sa nakaraang episode ng online talk show kahapon.

Para sa espesyal na episode ng show, si Melai Cantiveros muna ang nagsilbing host at nagpakilala isa-isa sa mga espesyal na tao sa buhay ni Toni para bumati. Sa Jan. 20, turning 37 na si Toni.

Siyempre, una nang nagbigay ng birthday message sa TV host-actress at ang parents niyang si Mommy Pinty at Daddy Bonoy, ang asawa niyang si Paul Soriano kasama ang anak nilang si Seve at ang kapatid na si Alex Gonzaga.

Kasunod nito ay ang emosyonal na pagbati at pasasalamat kay Toni ng ABS-CBN Films Managing Director na si Olivia Lamasan.

“Happy birthday Tin. I am sending you my heart so full of love and gratitude for everything, for all the support that you have given ABS-CBN, ABS-CBN Films, Star Cinema. Sobrang maraming salamat anak. Thank you so much for staying on with us.

“Nu’ng una ka naming pinakiusapan gawin ang programang ito (I Feel U), sabi namin kung puwede tanggapin mo ito sa starting rate namin. Hindi kami nagdalawang salita.

“You readily accepted it, believing in the purpose, believing in the objective that we have which is to maintain our presence and for us to continue serving the Filipino audience. For that, truly I am so grateful to you,” pahayag ng TV executive.

Patuloy pa niyang papuri kay Toni, “Alam nil’yo po mga kaibigan, ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho nu’ng in-order po ng Congress na i-shutdown kami.

“I will never forget that kasi napaiyak mo ako noon sa sobrang kalakihan ng puso mo at kabutihan mo. I pray that God returns your generosity a thousand fold and that blessings may continue to abound you in all aspects of your life,” sabi pa ng direktor habang naluluha naman si Toni.

Abot-langit naman ang pasasalamat ng TV host-actress sa bossing ng ABS-CBN. Aniya, “Nu’ng 2019 na magwe-welcome ng 2020, wala pang pandemic noon. Sinulat ko sa planner ko na ‘What is your dream for you 20th year in the business?’

“Sabi ko my dream is to have my own show where I can talk to people and I can interview them. Sinulat ko yun tapos nagsara yung ABS so naisip ko parang hindi na mangyayari yung dream ko na iyon.

“Then I got a call nu’ng March from Inang (Olive). She said the exact words na sinulat ko doon sa planner. Sabi niya, ‘We want to give you your own show. It is called I Feel U where you can talk to people and you can allow them to share their stories through the program.’

“Naiyak ako. Nagsara na yung network natin noon pero iba pala kapag binigay mo na lang kay God yung dreams mo. Yung mga binibitawan mo, hindi pala binibitawan ng Diyos yun para sa ‘yo. I am very grateful,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niyang mensahe, “This small platform, we can talk to people. Marami kaming nakakausap. Akala nila marami tayong natutulungang tao with this show pero hindi nila alam personally kung ano ang naitulong ng show para sa akin on an emotional, mental and spiritual level. Ang dami kong nakausap na mga tao, mga Kapamilya natin na nakaka-inspire yung story nila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending