Arci hindi susuko; tutuparin na ang pangarap na maging piloto | Bandera

Arci hindi susuko; tutuparin na ang pangarap na maging piloto

Ervin Santiago - January 18, 2021 - 09:35 AM

TULOY na tuloy na ang plano ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz na tuparin ang matagal na niyang pangarap — ang maging piloto.

Ito rin daw ang isa sa mga dahilan kung bakit siya sumailalim sa basic citizen military training ng Armed Forces of the Philippines last year.

Ayon kay Arci na isa na ngayong sergeant sa Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command, balak na niyang mag-enroll sa isang flying school ngayong taon.

“Yun talaga ang gusto ko ever since. Balak ko rin maging piloto. Actually mag-i-start na ako ng flying school ko sa February or March,” pahayag ng dalaga sa online talk show na “We Rise Together”.

Aniya  pa, “Kailangan ko lang talaga maghanap ng medyo mahaba-habang bakanteng schedule kasi matagal ‘yon, matagal ang pag-aaral na ‘yon.

“Actually for me it’s part of my responsibility as a citizen of our country, kaya ko ito ginawa (pagpasok sa military).

“And I also want to inspire a lot of people, mostly the young generation and the girls, tayong mga kababaihan na kaya rin natin ang ginagawa ng mga lalaki nating sundalo,” chika pa ng aktres.

Dagdag pa niya, “So ‘yun ‘yung ipinakita ko habang nagte-training kami. Talagang hindi ako sumuko. May time na lumuluha na ang mata ko sa sobrang hirap pero kaya ko ‘to.

“May time na tinatanong ko sarili ko ano ba itong napasok ko but at the end of the day, it’s the fulfillment na I endured that feat at during the time of pandemic pa na nakapag-training kami sa bundok pero we did follow safety procedures.

“Pero ibang feeling, there’s a renewed feeling of self-respect na I gained after graduating,” lahad pa ni Arci.

Marami naman ang pumuri sa dedikasyon ni Arci bilang isang reservist kaya hindi lang mga kababaihan ang saludo sa kanyang katatagan at tapang kundi pati na rin ang mga kalalakihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending