PIOLO sa mga magnanakaw at walang kwentang tao sa gobyerno: Ikulong at wag nang palabasin!
“Challenging” naman ang simpleng deskripsyon ni papa Piolo Pascual sa proyektong “On The Job” na showing na ngayon sa mga sinehan sa direksyon ni Erik Matti.
Hindi ito isang indie movie kundi isang espesyal na proyektong may maselang isyu tungkol sa corruption na very timely nga sa pork barrel scam. “This is indeed a challenging movie dahil nga kakaiba ang tema.
This is an expose of one kind of a corruption using violence. Alam nating nag-e-exist ang mga ganitong uri ng kriminal at law enforcers sa bansa.
I’m proud that I was made part of this film,” paliwanag ni papa P na gumaganap bilang isang pulis sa pelikula na siyang tumutugis sa grupo nina Gerald Anderson at Joel Torre na mga preso at ginagamit ng mga sindikato sa gobyerno bilang hitman.
“Kulong na lang natin yung may sala tapos wag na nating palabasin,” sey ni Piolo na ang tinutukoy ay ang mga corrupt politicians na sangkot sa pork barrel scam.
May karapatan ding magreklamo si Papa P dahil isa siya sa Top 500 Individual Tax Payers of 2011. “You know, when you go out and you see yung kalye, yung infrastructure, walang ilaw sa kalye, nakakasakit, nakakadurog ng puso kasi alam mo kung gaano kalaki yung tax mo. Tapos may lumalabas pang ganito,” ayon pa sa aktor.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.