Sharon kay Macoy Dubs: Mahal ko po siya dahil mahal na mahal po siya ng aking mga anak... | Bandera

Sharon kay Macoy Dubs: Mahal ko po siya dahil mahal na mahal po siya ng aking mga anak…

Ervin Santiago - January 15, 2021 - 03:12 PM

NAGPASABOG na naman ng good vibes sa madlang pipol ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta kasama ang internet sensation na si Macoy Dubs.

Isa si Macoy Dubs sa mga most followed TikToker ngayon sa Pilipinas na sumikat nang bonggang-bongga bilang ang sosyalerang si Aunt Julie.

Si Macoy Dubs o Mark Averilla sa tunay na buhay ang napili ni Mega na makachikahan sa latest vlog niya sa YouTube. Ayon sa singer-actress nakilala niya ang komedyante at TV host na rin ngayon dahil sa kanyang mga anak.

“Mahal ko po siya dahil mahal na mahal po siya ng aking mga anak at doon ko siya nakilala, through them,” pahayag ni Sharon nang ipakilala na si Macoy sa kanyang mga YouTube subscribers and viewers.

Sey pa niya kay Macoy, “Iyong mga anak ko, kapag may bago kang upload, talagang, ‘Mama, Mama, he has a new one.’ Kahit nasa dining table kami talagang…alam mo talagang pinapasaya mo ako.”

Proud namang ibinandera ng social media star na talagang lumaki siyang pinapanood si Sharon lalo na ang mga musical shows niya noon sa TV.

“Alam n’yo po, ito no joke talaga ha, ever since noong talagang nasa TV, ‘yung ‘Sharon,’ ‘yung show niyo po noon, nanonood na po kami ng mama ko. Sharonian po siya, pati ‘yung Tita Nene ko po.

“Super thank you po (sa pag-invite), nai-starstruck po ako,” ang chika pa ng comedian.

Sey pa ni Macoy kay Mega, hindi talaga niya inaasahan na magiging matagumpay siya bilang content creator na naging daan nga para makilala siya. Aniya, nahihiya pa nga raw siya kapag sinasabihang “star na star” na siya.

“No, no, no. Let’s be real here. Totoo ‘yon, star siya,” ang sabi naman sa kanya ni Sharon. Talaga naman daw may talent siya at napakarami niyang napapasayang tao sa mga ginagawa niya.

Sa isang bahagi ng vlog ni Mega, napag-usapan din nila ang kanilang kaibigang star vlogger na si Lloyd Cadena at kung gaano na nila nami-miss ang binata ngayong nasa kabilang buhay na ito.

At bago tuluyang magwakas ang pagba-bonding ng dalawa, ni-request ni Mega kay Macoy kung pwedeng makachikahan naman niya si Aunt Julie na pinagbigyan naman agad ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At makalipas nga lang ang ilang minuto, kumatok na si Aunt Julie sa bahay ni Sharon at sinundan na nga ito ng sosyalang tsismisan hanggang sa mag-sing-and-dance na rin sila habang hawak ang kanilang mga sosyal na tea cups.

Sa Facebook account naman ni Mega, muli niyang ibinahagi ang kanyang pasasalamat dahil finally ay nakilala at nakasama na rin niya ang TV host-comedian, “So happy that I finally met and got to know the real and reel Macoy Dubs.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending