JAKE, JOEM walang angal sa laplapan, naghubo't hubad sa utos ni DIREK JOEL | Bandera

JAKE, JOEM walang angal sa laplapan, naghubo’t hubad sa utos ni DIREK JOEL

Ervin Santiago - August 29, 2013 - 03:00 AM


ISKANDALOSA pala talaga ang mga pinaggagagawa nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa gay movie nilang “Lihis”! Nakita namin ang ilang mga still photos ng pelikula at talaga namang nawindang kami sa mga ipinakita nila.

Kahapon sa presscon ng “Lihis”, nakachika ng ilang entertainment press sina Joem at Jake at wala silang pinagsisisihan sa pagtanggap nila sa proyektong ito na idinirek ng award-winning na si Joel Lamangan.

Nakita namin ang ilang eksena ng dalawang aktor sa isang sapa kung saan kinunan ang maiinit nilang eksena – and yes, pareho silang hubo’t hubad doon at walang katakut-takot na nagkangkangan sa isang malaking bato.

Kitang-kita ang pwet ni Joem sa nasabing scene habang nakapatong kay Jake na nakataas naman ang dalawang paa. Meron ding todo-todo ang kanilang laplapan habang nagkakapaan.

O, di ba, ilang eksena pa lang ‘yan, pero I’m sure, super na-curious na kayo sa matapang at walang hiya-hiyang pelikulang ito.
Ayon kay Jake, ginawa nila ang mga ito dahil kailangan sa movie, at alam na nila bago pa sila mag-shooting na ganu’n katitindi ang ipagagawa sa kanila ni direk Joel bilang mga bading na rebelde na na-in love sa isa’t isa.

At wala raw double ‘yun, sila talaga ang makikitang nagse-sex sa movie. Sey ni Jake, “Magkaibigan naman kami ni Joem, noon pa kaya walang naging problema, wala nang ilangan.

We’re all professional. Medyo mahirap lang ‘yung mga eksena kasi maraming shots, take one lang ‘yung karamihan du’n, pero maraming shots si direk, kasi dapat maraming anggulo.

And we believe and we trust our director, na hindi niya kami pababayaan.”  Chika naman ni Joem, “Wala kaming reklamo ni Jake. We didn’t question direk Joel.

Ang ganda-ganda kasi ng materyal kaya ang hirap tanggihan. Bihira lang dumating ang ganitong project sa isang artista kaya aarte pa ba ako. Tsaka, secure naman kami sa aming pagkalalaki kaya game lang kami!”

Ayaw namang sabihin ng dalawang magaling na hunk actor kung nakita ang kanilang mga “birdie” sa movie, “Panoorin n’yo na lang kung nakita, pero sure kami na mag-eenjoy naman kayo sa mga ipinasilip namin!” natatawang chika ni Jake.

Pahabol pa ni Jake, “Sana panoorin nila kasi hindi lang ito basta gay movie, it’s an eye-opener, marami silang madi-discover about communist rebels noong rehimeng Marcos.

May pagka-history din siya kaya may social relevance talaga.”  Dagdag pa ng dalawang bida ng “Lihis”, isa rin itong tribute sa lahat ng mga bading na nakipaglaban noon para sa karapatan ng mga Pilipino laban sa mga abusadong government officials na hindi man lang nabigyan ng kaukulang pagkilala.

“May mga gay rebels kasi na talagang nakipaglaban noon against the dictatorship na namatay pero there was no mention that they were gay.  There was no mention of them and they were not recognized as heroes.

They were bakla na heroes.”  Makakasama rin nina Jake at Joem sa “Lihis” sina Isabelle Daza, Lovi Poe at Gloria Diaz. Ang “Lihis” ay isa sa 12 entries sa Sineng Pambansa All Masters Series Film Festival (ng Film Development Council of the Philippines) na mapapanood sa September 11 hanggang 17 sa lahat ng SM cinemas at iba pang piling sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahabol naman ng production people behind “Lihis”, original story daw ito at in fairness, matagal na itong naisulat at nabuo ng team ni direk Joel bago pa naipalabas noon ang Hollywood gay film na “Brokeback Mountain” at ang hit GMA series ngayon na My Husband’s Lover nina Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending