Sasakyan ni Boy2 Quizon wasak matapos mabangga ng van sa Q.C. | Bandera

Sasakyan ni Boy2 Quizon wasak matapos mabangga ng van sa Q.C.

Ervin Santiago - January 15, 2021 - 09:14 AM

WASAK ang likurang bahagi ng sasakyan ng Kapuso actor na si Boy2 Quizon matapos mabangga ng isang van kaninang madaling-araw.

Ayon sa report, binabaybay ng director-comedian ang kahabaan ng Quezon Avenue, Quezon City dakong alas-3 nang madaling-araw kasama ang isang babae nang maganap ang aksidente.

Base sa pahayag ni Boy2 sa mga nag-interview sa kanya, galing daw siya sa bahay ng isang kamag-anak at patungo sana sa Timog Avenue sa Q.C..

Aniya, pa-U-turn na siya sa may bahagi ng Quezon Avenue at Banawe nang bigla na lang silang  mabangga ng van na minamaneho ng isang babae na nakilala lamang sa pangalang Pamela.

Wala namang grabeng nasaktan sa aksidente ngunit napuruhan ang likurang bahagi ng sasakyan ng apo ng Comedy King na si Dolphy habang nawasak din ang harapan ng van na nakabangga sa kanila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, inamin umano ng driver ng van na nakaidlip siya habang binabaybay ang kahabaan ng Quezon Avenue kaya hindi namalayan ang sasakyang nasa unahan niya.

Habang isinusulat ang balitang ito, inaasahang maghaharap sa tanggapan ng Quezon City Traffic Sector 1 ang aktor at ang babaeng driver na sangkot sa insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending