Selena Gomez nagluto ng adobo, turon para sa bagong season ng cooking show
BIBIDA ang mga sikat na pagkaing Pinoy sa second season ng cooking show ng American singer-actress na si Selena Gomez.
Tuwang-tuwa ang mga Pinoy fans ni Selena nang mapanood ang teaser para sa mga bagong episode ng
“Selena + Chef” sa HBO Max kung saan makakasama rin niya ang mga sikat na celebrity chefs para sa iba’t ibang recipes all over the world.
Mismong ang mga supporters ni Selena ang nag-post sa kanilang social media accounts ng ilang screenshots mula sa trailer ng cooking show ng Hollywood star.
At kabilang na nga riyan ang pagluluto niya ng classic Filipino Adobo at ang walang-kamatayang panghimagas na Turon.
Nabatid na sa episode na “Lose You To Love Me”, makakasama ni Selena ang Filipino-American chef na si Jordan Andino, ang may-ari ng Flip Sigi, isang Filipino-Mexican fusion restaurant na matatagpuan sa New York City.
Cebuano ang nanay ni Jordan at Batangueño naman ang kanyang tatay. Lumaki siya sa US at nakilala bilang isa sa mga finalist sa show ng Food Network na “Sexiest Chef Alive” noong 2018.
Sa Instagram account ni Jordan, nag-post siya ng mensahe kung gaano siya ka-excited na makasama sa kusina si Selena at makapagluto kasama ang singer-actress.
“Sooo… this happened! Super stoked and excited to have cooked with @SelenaGomez for her show Selena + Chef!
“She’s truly a dope a$$ human and I can’t for y’all to see it. If you haven’t watched it already, it’s my like my Instagram Lives but 1000x more professional!” ang nakalagay na caption sa kanyang IG post.
At sa tulong nga niya, nakapagluto ng adobo si Selena na hinatulan naman ng lola ni Jordan sa pamamagitan ng video call. Sa teaser ng cooking show, tinanong pa ni Selena ang lola ni Jordan ng, “How do you think it looks?”
Na sinagot naman nito ng, “It’s okay.” Na sinundan ng malakas na tawanan mula sa staff at crew ng programa.
“As you all know by now, I’m not the best cook. But I’m not going to stop trying to get better. So I’m back in my kitchen to get schooled by the best chefs,” ang hirit pa ni Selena sa trailer.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa paandar na adobo at turon ni Selena.
Sey ni @gowonsbabyy, “YESSS SELENA GOMEZ DELA CRUZ PROUD PINAY!!!!! COME GET THAT CAMEO @DATUPUTI !!!!!! WE LOVE THE ADOBO AND TURON YASSS.”
Comment ni @rarepsj, “‘Selena adobo’ and ‘selena gomez adobo’ are top searched on twitter. So excited for the new episodes of #SelenaAndChef.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.